Salungat Salungat sa paniniwala ng karamihan, wala sa 20 porsyento ang populasyon ng mga Muslim sa buong mundo ang Arabo. Kahit ang Qur’an ay ipinahayag sa wikang Arabik, hindi ito nangangahulugan ng pagkakakilanlan sa mga Arabo o nagbabanggit ng anumang pagkiling sa kanilang lahi o etnikong grupo. May mga Muslim mula sa ibat –ibang rehiyon at itnikong pinagmulan; sa ngayon ang may pinakamalaking bilang ng populasyon ng Muslim ay Indonesia, at tulad ng mga Muslim sa India, doon ang bilang ng minoryang relihiyon ay higit na mas malaki pa sa pinakamalaking bansa ng mga Arabo.

Kami ay naniniwala na Ang Islam ay dumating bilang habag at gabay sa sangkatauhan. Tulad ng nababanggit sa Qur’an (21:107) Ipinadala ka namin [O Muhammad] bilang habag sa mundo.” Ang Islam ay nagpapamalas ng malawakang pananaw sa pagkakaiba-iba at pagkakapantay-pantay ng mga tao na hindi mapapantayan ng ibang sistema.

a Qur’an, binabanggit ang kabuuang saklaw ng Islam kahit ano pa ang relihiyon o lahi. “O sangkatauhan nilikha namin sa inyo ang lalaki at babae at ginawa kayong mga nasyon at tribu upang kayo ay magkakilanlan. Katotohanan, ang pinaka kagalang-galang sa inyo sa paningin ng Panginoon, ay yaong mga relihiyoso at masunurin. Ang Panginoon ang Pinaka-Maalam, ang higit na Nakababatid.” (49:13)

Binibigyang diin ng talata na ito na tayo ay magkakapatid mula kay Adan at Eba, nakatakda at tinipon upang magtulungan sa isat-isa. At sinasabi din nito na ang tanging paraan upang i-angat ang ating antas ay ang sambahin ang Panginoon at mamuhay nang naaayon sa pagsunod, pagsuko at pagtalima sa Kanya lamang.

Itinuturo din ng Qur’an na ang pagkakaiba-iba ng wika, kulay at kultura ay isang regalo, at isa sa mga simbolo ng malikhaing kapangyarihan ng Diyos, katulad sa kadakilaan sa paglikha ng kalangitan at kalupaan. Sinasabi din nito na tanging ang mga mapang-unawa lamang ang nakakakita at nakaka-unawa sa ganitong mga palatandaan.

Ang ating modernong lipunan ay nagbibigay ng mga karapatang pantao sa mga kasunduan at organisasyon. Sa Artikulo 1 ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR) na pinagtibay noong 1948 ay nagsasaad na “ Ang lahat ng tao ay malaya at magkakapantay ang dignidad at karapatan.” Subalit sa Islam ay matagal nang nakasaad at nakapaloob ang  prinsipyong ito sa nagdaang 1400 na taon. Sinabi ni Propeta Muhammad(s) sa kanyang pananalita, “O mga tao, ang Panginoon ninyo ay isa at ang inyong ama [Adan] ay isa. Ang Arabo ay hindi nakahihigit sa sinumang hindi Arabo at gayon din ang hindi Arabo sa isang Arabo. Ang isang maputi ay hindi nakahihigit sa maitim at ganun din ang maitim sa maputi, maliban sa kanilang pagkatao.” (Ahmad: 23489)