Ang Sinasabi ng Quran sa Pinagmulan ng Sansinukob
Ang agham ng modernong dalubmayawan (kosmolohiya), pagsusuri at panteorya, ay malinaw na ipinakikita na, sa isang punto ng oras, ang buong sansinukob ay walang iba kundi isang ulap ng 'usok' (katulad ng malamlam na liwanag na lubos na siksik at mainit na komposisyon ng gas). [1] Ito ay isa sa mga hindi mapag-aalinlanganang alituntunin sa pamantayan ng modernong kosmolohiya. Ang mga siyentipiko ngayon ay kanila nang nasusuri o napapag-alaman na ang mga bagong bituin na nabubuo ay mula sa mga labi ng 'usok' na iyon (tingnan ang larawan 1 at 2).