S. Sabihin mo: Ang pagpapanatili sa mga dhikr sa umaga at gabi, at lalo na ang: "Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay'un fi -l'arḍi wa lā fi -ssamā'i, wa huwa -ssamī`u -l`alīm (Sa ngalan ni Allāh na walang nakapipinsala sa pangalan Niya na anumang bagay sa lupa ni sa langit at Siya ay ang Madinigin, ang Maalam)," na binibigkas nang tatlong ulit sa umaga at gabi. Gayon din ang pagsabi ng: "A`ūdhu bikalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khalaq (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa masama sa nilikha Niya)" at ng pampakupkop (ta`widh) sa mag-anak at mga bata: "U`īdhukum bikalimāti -llāhi -ttāmmāti min kulli shayṭānin wa hāmmatin wa min kulli `aynin lāmmah (Ipinakukupkop ko kayo sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa bawat demonyo at salot at laban sa bawat matang masama)" gaya ng nasaad sa ḥadīth. Gawin din ang sumusunod: ang pagbigkas ng Sūrah Al-Ikhlāṣ (Qur’an 112), ng dalawang ipinapangkupkop (mu`awwidhah) na Sūrah 113 at 114 nang tatlong ulit sa umaga at gabi, ng Āyatulkursīy, at ng dalawang huling talata ng Sūrah Al-Baqarah sa gabi; at ang pagkain ng pitong pirasong datiles sa umaga.
Matapos maganap ang panggagaway, isasagawa ang pagbigkas sa nagaway nang direktahan ng mga talata ng Qur'ān at mga panalanging nasaad sa Sunnah ng Propeta, ang ḥijāmah, at ang pagsira sa mga bagay na ginamit sa panggagaway kapag natuklasan ito. Mawawalang-saysay ang panggagaway at gagaling ang nagaway ayon sa kapahintulutan ni Allāh - pagkataas-taas Niya.