At naninigurado ng paniniwala sa Huling Araw, at kabilang dito ang mga magaganap pagkatapos ng kamatayan.
At sa pasusulit sa libingan, kung kaya’t sasabihin sa tao: Sino ang iyong Rabb (Panginoon)? Ano ang iyong Deen (relihiyon at kaparaanan ng pamamahala ng buhay)? Sino ang iyong Propeta?
At pagkatapos ng pasusulit na ito ay maaaring makamit ang gantimpala o maaring matikman ang kaparusahan, hanggang sa magaganap ang malaking kaganapan ng Pagsisitayuan.
At sa mga palatandaan ng Huling Oras.
At sa Pagbangon pagkatapos na mamatay, na magsisitayuan ang mga tao mula sa kani-kanilang libingan at haharap sa Panginoon ng mga sanlibutan, na nakayapak ang mga paa, walang mga damit, at hindi tuli. At bababa sa kanila ang araw, at mapupuno  sila ng kanilang mga pawis.
At sa Muling-Pagkabuhay.
At sa Al-Hawdh (malaking imbakan ng tubig)  ng Propeta salaa-llahu ‘alayhi wa sallam.
At sa Al-Hisaab (Katanungan) at Al-Mizaan (Timbangan) at ang As-Siraat (pagsubok na daanang tatahakin).
At ang An-Naar (impyerno ng kaparusahan apoy).
At ang Al-Jannah (hardin sa kabilang-buhay). At unang magbubukas ang pintuan ng Jannah para kay Muhammad salla-llahu ‘alayhi wa sallam, at ang unang lipunan na papasok sa Jannah ay ang kanyang lipunan.
At na masisilayan ng mga Mu’minun (mga nagtaglay ng tunay na paniniwala) ang kanilang Panginoong Allah, makikita nila sa kanila mismong mga mata, sa Araw ng Pagsisitayuan, at sa Jannah.
At sa Shafa’ah (Pamamagitan). At kabilang dito ay ang pamamagitan niya (Muhammad) salla-llahu ‘alayhi wa sallam sa mga taong nasa pagsisitayo hanggang sa sila’y mahusgahan. At ito ang Al-Maqam Ul-Mahmoud (Ang katayuang kapuri-puri). At kabilang dito ay ang pamamagitan niya salla-llahu ‘alayhi wa sallam at ng iba pa para sa mga may paniniwalang karapat-dapat makasubok ng kaparusahan sa impyernong apoy na huwag nang maipasok dito, at sa mga nakapasok na,  na sila’y palabasin. At maglalabas ang Allah mula sa impyernong apoy ng mga taong may paniniwala, inilalabas sila na hindi na idinadaan ng tagapamagitan kundi mula sa purong pabor ng Allah at Kanyang habag.