Ang paglalakbay ay lugar upang magguni-guni, at mag-isip, at makakuha ng aral sa mga nilikha ni Allah. Ang paglalakbay ay lugar kung saan mag-isip sa sarili, at magbilang ng mga gawain, at paghandaan ang mga mabuting gawa, at pakay sa buhay ng tao. Ang paglalakbay ay sa lugar kung saan inaalaala ang Kabilang-buhay, mula sa lugar tungo sa ibang lugar hanggang makarating tayo sa Kabilang-buhay, kung kaginhawaan ba o sa Apoy. -Iligtas nawa tayo mula sa Apoy- Ang Paglalakbay ay pagpasyal, at pagdugtong, at pagbisita sa mga kapatid. Ang Paglalakbay ay lugar kung saan malaman ang mga pook, at sibilisasyon, at mga ugali at mga bandila. Ang Paglalakbay sa Banal na Lugar ay paglalakbay na may pananampalataya at disiplina sa sarili at pag-uugali. Ang Paglalakbay ay ehersisyo sa puso, at kaginhawaan sa katawan na pinapayo ng mga Doktor sa sinumang merong sakit sa sarili dahil sa depresyon, at kalungkutan bilang mabisang gamot sa mga may sakit sa pag-iisip. Ang Paglalakbay para ipakita ang totoong sarili at potensiyal nito: mga pag-uugali at pamamaraan at pakikitungo sa Allah at sa iba. Oh Manlalakbay: Ang Muslim ay taong merong pakay at mensahe sa buhay kaya lagyan mo ng pakay ang iyong paglalakbay at magdala ng mensahe para iyong isabuhay bilang pagsamba at kaalaman at Dawah at kabuhayan. O aking Kapatid na Mambabasa, Merong mabanggit sa Aklat (Karamihan sa mga Dalubhasa) at hindi ligid sa iyo na ang mga Madhab sa Fiqh ay may kinikilalang Apat: Abu Hanifah, at Malik, at Shafi'e, at Ahmad, at hindi rin ligid sa iyo ang salungatan sa kanilang pagitan at kanilang mga tagasunod sa ibang sangga sa Fiqh. Kung magkasundo ang dalawa o tatlo mula sa kanila laban sa isa, ito ay tinatawag na "Karamihan sa mga Dalubhasa." Susundin natin ang magandang pamamaraan sa salungatan, at hindi tayo susunod kung ito ay magbubunga ng pagkabuklod-buklod, at pagkapoot, at pagkagalit sa pagitan ng mga Muslim.