28- Si Abu Dhar (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, siya ay nagsabi: Sinabi sa akin ng Sugo ng Allah (): "Matakot ka sa Allah saan ka man naroroon, at ang kasamaan ay pasundan mo ng kabutihan; na bubura nito, at pakitunguhan mo ang mga tao ng mahusay na pakikitungo".
At-Tirmidhi [Hadith Bilang: (1987)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(10):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang pagkatakot ay isang paraan ng pangangalaga sa sarili mula sa pagkakasadlak sa kaparusahan ng Allah sa pamamagitan ng pagsagawa ng Kanyang mga kautusan at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal.
2. Ang mabuting pag-uugali ay yaong mabuti sa batas ng Islam at tanggap ng tamang pag-iisip, at ang isa sa mga bunga nito’y ang pagpigil sa nakapipinsala, pagiging bukas-palad at ang pagtitiis sa mga pinsala.
3. Ang paggawa ng kabutihan ay nagbubura ng mga kasalanan, kaya’t ito’y isang habag ng Allah para sa sangkatauhan.
4. Ang Islam ay hinihikayat ang mga tao tungo sa mahusay na pakikitungo sa pamamagitan ng magandang paraan sa bawa’t aspeto ng buhay, ito man ay sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Islam, paghubog at pagtuturo, maging sa pampamilya, panlipunan, kalakalan at politika.