Na ang mga tagapagtambal sa panahon natin ay higit na magaspang sa shirk kaysa sa mga sinauna dahil ang mga sinauna ay nagtatambal sa kariwasaan at nagpapakawagas [kay Allāh] sa kagipitan samantalang ang tagapagtambal sa panahon natin, ang shirk nila ay palagi: sa kariwasaan at kagipitan. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): 
﴿فَإِذَا رَكِبُوا فِي الْفُلْكِ دَعَوُا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ فَلَمَّا نَجَّاهُمْ إِلَى الْبَرِّ إِذَا هُمْ يُشْرِكُونَ﴾ [العنكبوت: 65].
{Kapag nakasakay sila sa daong ay dumadalangin sila kay Allāh habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Ngunit noong nagligtas Siya sa kanila patungo sa katihan, biglang sila ay nagtatambal [sa Kanya]} (Qur'ān 29:65)
Si Allāh ay higit na maalam. Basbasan ni Allāh ang Propeta nating si Muḥammad sampu ng mag-anak nito at pangalagaan.
Ang ḥadīth ni Abū Wāqid Al-Laythīy (malugod si Allāh sa kanya) ay nagsabi: {Pumunta kami kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ḥunayn samantalang kami ay mga bagong alis sa kawalang-pananampalataya. Ang mga tagapagtambal ay may [punong] sidrah, na namimintuho sila sa tabi nito at nagbibitin sila rito ng mga sandata nila, na tinatawag na May mga Nakabitin. Naparaan kami sa isang sidrah kaya nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, gumawa ka para sa atin ng May mga Nakabitin kung paanong mayroon silang May mga Nakabitin..."}