Ang Islam ay nagkakaloob ng maraming mga karapatang pantao para sa indibidwal. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga karapatang pantao na pinangangalagaan ng Islam.
Ang buhay at pag-aari ng lahat ng mga mamamayan sa isang Islamikong bansa ay itinuturing na sagrado, maging ang isang tao ay isang Muslim o hindi. Ang Islam ay pinangangalagaan din ang dangal. Kaya, sa Islam, ang manghamak ng iba o pagtawanan sila ay hindi ipinahihintulot. Ang Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay nagsabi:
"Tunay na ang inyong dugo, ang inyong pag-aari, at ang inyong dangal ay sagrado."
Ang rasismo ay hindi ipinahihintulot sa Islam, sapagkat ang Quran ay nagpapahayag ng pagkakapantay-pantay ng tao sa sumusunod na mga kataga:
"O sangkatauhan, kayo ay Aming nilikha mula sa lalaki at babae, at kayo ay Aming ginawang mga bansa at mga tribo upang kayo ay magkakilanlan sa isat isa. Katotohanan, ang pinakamarangal sa inyo sa Diyos ay ang pinakamatatakutin.
Katotohanan, ang Diyos ay ang Nakakaalam ng lahat, Nakababatid ng lahat." (Quran 49:13)
Ang Islam ay itinatanggi ang ilang mga indibidwal o bansa na itangi dahil sa kanilang kayamanan, kapangyarihan, o lahi. Ang Diyos ay nilikha ang mga taong magkapantay na sila ay makikilala lamang ang bawat isa batay sa kanilang pananampalataya at pagkatakot. Ang Propeta Muhammad (pbuh) ay nagsabi:
"O mga tao! Ang inyong Diyos ay nag-iisa at ang inyong ninuno (si Adan) ay iisa. Ang isang Arabo ay hindi mas mainam kaysa sa isang hindi Arabo at ang isang hindi Arabo ay hindi mas mainam kaysa sa isang Arabo, at ang pula (ibig sabihin ang puting nabahiran ng pula) na tao ay hindi mas mainam kaysa sa isang itim na tao at ang isang itim na tao ay hindi mas mainam kaysa sa isang pula na tao, maliban sa pagkatakot."