1- عَنْ أَبيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ
عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "مَنْ تَصَدَّقَ بِعَدْلِ تَمْرَةٍ مِنْ كَسْبٍ طَيِّبٍ، وَلاَ يَقْبَلُ اللهُ
إِلاَّ الطَّيِّبَ؛ فَإِنَّ اللهَ يَتَقَبَّلُهَا بِيَمِينِهِ، ثُمَّ يُرَبِّيهَا لِصَاحِبِهِ، كَمَا يُرَبِّيْ
أَحَدُكُمْ فَلُوَّهُ حَتَّى تَكُوْنَ مِثْلَ الْجَبَلِ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 1410، واللفظ له، وصحيح
مسلم، رقم الحديث 63 - (1014)، ).
1- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran
ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng
Allah () ay nagsabi: “Ang sinumang nagkawanggawa
ng katumbas ng halaga ng isang datiles mula sa
mabuting kita, at ang Allah ay hindi tumatanggap
maliban sa mabuti; katotohanang tatanggapin ito ng
Allah sa pamamagitan ng Kanyang Kanang Kamay, at
pagkatapos ay Kanyang aalagaan at palalaguin ito
para sa may ari nito, gaya ng pangangalaga ng isa sa
inyo sa kanyang sanggol hanggang sa ito ay
magmistulang isang bundok”]. Al-Bukhari [Hadith
bilang: (1410)], Muslim [Hadith bilang: 63–(1014)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Hurairah, Abdul Rahman ibn Sakh’r Ad-
Dusi Al-Yamani na tinaguriang tagapagsalaysay ng
Islam. Siya ay tinawag sa palayaw na Abu Hurairah
Mga Piling Hadith
8
(ama ng paslit na pusa), sa dahilang siya ay mahilig
maglaro ng pusa, at siya ay nagpapastol ng mga
kambing para sa kanyang pamilya, siya ay yumakap
sa Islam taong ika-(7) sa Hijri, taon ng pagsakop sa
Khaibar, pagkatapos ay namalagi siya sa Propeta ()
ng apat na taon, siya ay kasa-kasama nito saan man
naroroon, at nagsumikap sa pagsasaliksik ng Hadith
at naging masigasig siya rito, kaya't marami siyang
kaalaman na natutunan at naisaulo, hanggang sa siya
ang itinuring na may pinakamaraming naiulat na
Hadith sa mga Sahabah (Kasamahan ng Propeta), na
kung saan ay umabot ang kanyang naiulat ng (5374)
na Hadith. Siya ay isa sa mga Pantas ng Madinah,
namatay siya sa Madinah taong ika-(57) sa Hijri, at
siya ay nailibing sa Baqi`.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Kinakailangan na ang maging layunin sa
pagkakawanggawa ay ang pagtamo sa kagalakan ng
Allah, walang bahid itong anumang bagay bugso ng
damdamin gaya ng ibang mga gawaing pagsamba.
2. Tungkulin ng isang Muslim na ilayo ang kanyang
sarili sa ipinagbabawal na kita; sapagka’t ito ay
Mga Piling Hadith
9
kabilang sa mga kadahilanan ng pagkapoot ng Allah,
at kabilang din ito sa mga kadahilanan ng pagdaan sa
pagsubok sa pamamagitan ng malalalang
karamdaman sa sarili, tulad ng pagkapalalo sa
kasakiman, katakawan at kasibaan, gayundin ng
pagkamaramot, pagkamakasarili, pagkakuripot at
pagkaramdam ng pagkamasama at kawalan ng
katiwasayan at kapanatagan.
3. Nabanggit ang kanang kamay sa Hadith na ito, sa
kadahilanang ang bagay na kaaya-aya ay iniaabot sa
pamamagitan ng kanang kamay ayon sa nakaugalian,
at kailangan ding paniwalaan ang mga Pangalan ng
Allah at ang Kanyang mga Katangian ayon sa naitala
sa mga Islamikong teksto nang walang pagbabaluktot
o pagpapalit o paghahalintulad o paglalarawan; kaya
kinakailangang maniwala na ang Allah ay may Kanang
Kamay ng ayon sa naaangkop sa Kanyang Kamahalan
at Kadakilaan.