Paano magsagawa ng Ihram sa Hajj at Umrah para sa manlalakbay sa Eroplano:
Pagligo sa kanyang bahay at pananatili sa kanyang damit na nasanayan, at kung kanyang nais ay isuot na ang Ihram.
Kung malapit na ang eroplano sa Meqat ay magsuot ng Ihram kung hindi pa siya nakasuot nito.
Kung nakalampas ang eroplano sa Meqat ay maghangad ng pagpasok sa lugar ng ritwal at magbanggit ng Talbiyah ayon sa kanyang hinangad.
Kung pumasok siya sa estado ng Ihram bago lumampas sa Meqat dahil sa takot na makalimot o naging pabaya ay pinapahintulot. Ito ang opinyon ng Apat na Imam.
Sinumang bumaba sa paliparan ng Jeddah habang dumating siya mula sa kanyang lugar na gusto magsagawa ng Hajj o Umrah ngunit hindi siya nakasagawa ng Ihram sa oras ng paglampas sa Meqat. Kinakailangan niyang bumalik sa Meqat ng kanyang lugar, at doon magsagawa ng Ihram, at kung hindi niya kaya ay magsagawa siya ng Ihram sa Jeddah ngunit magbayad siya ng Fidyah, isang tupa na dapat katayin sa Makkah at ipamahagi sa mga mahihirap doon, Ito ang opinyon ng Apat na Imam.
Ang manlalakbay sa Eroplano kung naghangad ng Hajj o Umrah at lumampas sa Meqat na nakalimot sumuot ng Ihram, Kailangan sa kanya na tanggalin kaagad ang kanyang damit at ilagay lamang sa kanyang katawan at nakatili sa kanyang pantalon hanggang makarating, at kung nahihirapan siya at manatili sa kanyang damit at magbayad lamang sa damit. At kung binalutan niya ang kanyang ulo at magbayad siya ng panibago. Kailangan niya magsumuot ng Ihram kung meron siyang pagkakataon.
Manlalakbay sa Eroplano kung gusto niyang magsagawa ng Hajj at Umrah at saka nakatulog at hindi nakagising maliban na nakalampas siya sa Meqat: Kung hindi siya naghangad pumasok sa Ritwal ay kailangan niyang bumalik sa Meqat at maghangad roon, Ito ay pinagkasunduan ng mga Dalubhasa. At kung hindi niya kaya, lumabas sa hangganan ng Makkah. Doon siya magsagawa ng Ihram at magbayad siya ng tupa para katayin sa Makkah, at sinumang humangad pumasok sa Ritwal bago ang Meqat at hindi siya nakakatiyak maliban pagkatapos na lumampas sa Meqat, ang kanyang Ihram ay wasto.
Paano magsagawa ng Ihram sa sinumang lumakbay sa karagatan kung nakalampas siya sa Meqat, Kailangan niyang magsagawa ng Ihram at kung hindi niya alam ay magsagawa siya ng Ihram sa Jeddah.
Ang sinumang pumasok sa Makkah na nagsasagawa ng Ihram, hindi obligasyon sa kanya na pumunta ng maaga sa Umrah mula sa pagdating niya.
Ang sinumang naglakbay mula sa kanyang lugar para magtrabaho o iba pa at dumaan sa Meqat, meron itong mga kalagayan:
Kung hindi siya humangad ng Hajj o Umrah ay walang problema.
Kung hindi niya alam kung kaya ba niya magsagawa ng Hajj at Umrah? Sa oras na yaon ay hindi obligasyon sa kanya ang Ihram mula sa Meqat, At kung humangad pagkatapos nito na magsagawa siya ng Ihram sa lugar kung saan doon siya humangad, At kung humangad siya habang sa Makkah ay kailangan niyang lumabas sa hangganan ng Makkah. At kung humangad siya pero hindi sa Meqat tulad ng Jeddah at Buhrah ay doon siya magsagawa ng Ihram.
 Kung dumaan siya sa Meqat habang humahangad ng Hajj o Umrah pagkatapos ng trabaho o bago nito ngunit hindi siya nagsagawa ng Ihram, kinakailangan niyang bumalik sa Meqat kung gusto niyang magsagawa ng Ihram, at kung hindi niya kaya ay magsagawa siya ng Ihram sa kanyang lugar na hindi kasali sa Meqat ngunit kailangan niyang magbayad ng Fidyah: Pagpakatay ng tupa sa Makkah, at kung siya ay nasa Makkah ay lumabas siya sa hangganan nito at magbayad rin ng Fidyah: Pagkatay ng Tupa sa Makkah.
 Babae kapag dumaan sa Meqat habang siya ay merong regla, meron itong tatlong kalagayan:
Kung dumaan siya sa Meqat habang meron siyang regla at sa kanyang palagay ito ay matatapos kung siya ay nasa Makkah. Kailangan niyang magsagawa ng Ihram at pumasok sa Makkah at maghintay hanggang maging malinis at saka magsagawa ng Umrah.
 Kung dumaan siya sa Meqat habang meron siyang regla at hindi niya alam kung matatapos ba ito sa Makkah o kaya makalabas na siya bago matapos ito? Kailangan niyang magsagawa ng Ihram ngunit maglagay siya ng kondisyon at sasabihin: Allahumma labayka Umrah, Fa in habasani Habis Fa Mahalli hay'thu Habasatni - O Allah, Ako ay nasa Iyong panglilingkod na Umrah, at kung merong humarang sa akin ay dito lamang ako sa aking lugar kung saan merong humarang sa akin - . At kung siya ay naging malinis ay tapusin niya ang kanyang Umrah, at kung gusto niya lumabas habang hindi pa natatapos ang kanyang regla ay puwede siyang lumabas kahit hindi siya nagsagawa ng Umrah at walang problema sa kanya.
 Kung dumaan siya sa Meqat habang meron siyang regla at hindi siya nagsagawa ng Ihram dahil sa kamangmangan, ngunit humangad siya na magsagawa ng Umrah sa Makkah. At pagkatapos siya ay naging malinis at gusto niyang magsagawa ng Umrah, kinakailangan niyang bumalik sa Meqat ng kanyang lugar, at kung hindi niya kaya ay kailangan niyang lumabas sa hangganan ng Makkah ngunit magpakatay siya ng tupa para sa mga mahihirap ng Makkah.
 Ang babaeng may regla at puwede sa kanya magsagawa ng Ihram kahit meron siyang regla at walang katibayan sa pagbawal sa kanya.
Ang sinuman gustong magpakatay habang siya ay lumalakbay, magpakatay sa lugar kung saan nandoon siya, o kaya mag-utos sa sinumang magkatay para sa kanya sa kanyang lugar o iba pa.

Labimpito: Mga Batas ng Pagbibisita sa Masjid ng Mensahero (s.a.w)
 Paglakbay para bisitahin ang Masjid ng Propeta (s.a.w) ay kahit sa anong oras ay mainam ayon sa mga Dalubhasa.
 Ang Batas ng Paglalakbay para bisitahin ang mga libingan at libingan ng Mensahero (s.a.w) ay meron dalawang kalagayan:
Kung humangad siya na bisitahin ang libingan lamang, ito ay ipinagbabawal tulad sa sinabi ng Mensahero (s.a.w)