25- Si Buraidah ibn Al-Husaib Al-Aslamie (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: "Ang kasunduan na namamagitan sa amin at sa kanila ay ang Salah (pagdarasal), kaya't ang sinumang tinalikuran ito, sa katunayan siya ay nagtakwil ng pananampalataya".
At-Tirmidhi [Hadith Bilang: (2621)] Ibnu Majah [Hadith Bilang: (1079)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Buraidah ibn Al-Husaib Al-Aslamie, ang naging simula ng pagyakap niya sa Islam ay yaong sandaling dinaanan siya ng Sugo ng Allah (), habang siya ay lumilikas patungong Madinah, na may kasamang mga tao ng di-humigit kumulang ng (80) katao mula sa kanyang nayon, at silang lahat ay yumakap sa Islam at pinangunanan sila ng Sugo ng Allah () sa huling Salah ng Isha’.
Siya ay nakapag-ulat ng (177) na Hadith sa mga aklat ng Sunnah.
Si Buraidah ay nanirahan sa kalupaan ng kanyang mamamayan, pagkaraan ay pumunta sa Sugo ng Allah () pagkatapos ng labanan sa Uhud, at nakibaka sa lahat ng labanan na kasama siya, pagkaraan ay lumipat sa Basra, at nagpatayo rito ng isang tahanan, pagkaraan ay lumabas siya mula rito upang sumalakay sa Khorasan, at pagkatapos ay nanirahan siya sa lunsod ng Marr hanggang sa siya ay binawian ng buhay dito taong ika-(62) o ika-(63) sa Hijri sa panahon ng pamumuno ni Yazid ibn Mu`awiyah.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Pinagtitibay ng Islam na ang Salah ang siyang maliwanag na simbulo ng mga Muslim.
2. Itinuturo ng Hadith na ito ang kabawalan ng pagwawalang-bahala sa Salah sa anupamang kalagayan.
3. Ang Salah ay diwa ng Relihiyong Islam; kapag ito’y iniwanan, wala ng matitira na maliwanag na simbulo nito.