31- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: "Ang sinumang magpasensiya at umunawa sa isang Muslim; sa kanya’y magbibigay din ang Allah ng pasensiya at unawa sa magiging kapahamakan nito sa Araw ng Pagbabangong Muli".
Ibnu Majah [Hadith Bilang: (2199)] Abu Daud [Hadith Bilang: (3460)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(13):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Iqalah ayon sa pagpapakahulugan ng mga eskolar ay ang pagpapawalang-bisa ng isang kontrata ayon sa pinagkasunduan ng magkabilang panig; ang nagbenta at ang bumili.
2. Ang Iqalah ay isang paraan ng paggawa ng kabutihan, pagmamahalan at pagpapagaan sa mga tao, kahinahunan para sa kanila at paghahandog ng kawang-gawa para sa kanila at ang pagpapaumanhin sa kanilang mga kamalian ay bagay na dapat isaalang-alang ng isang Muslim ayon sa batas ng Islam.
3. Ang paraan ng Iqalah sa bentahan ay ganito: Kapag bumili ang isang tao mula sa iba at pagkatapos ay nagsisi siya sa kanyang binili, maaring ito’y dahil sa nadaya siya o dahil wala siyang pangangailangan dito o kawalan ng halaga nito, magkagayun kanyang isinauli ang kanyang binili sa nagbenta at tinanggap naman ng nagbenta ang pagsauli nito.
4. Itinuturing ang gawaing ito na isang pagmamagandang loob ng nagbenta sa bumili, sapagka't nangyari na ang bentahan sa pagitan nilang dalawa na hindi na maaaring pawalan ng bisa maliban kung ito ay pinahintulutan ng nagbenta.