34- Si Al-Miqdad ibn Al-Aswad (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, siya ay nagsabi: Sumpa man sa Allah! Tunay na aking narinig sa Sugo ng Allah () na kanyang sinasabi: "Ang tunay na kasiyahan ay nasa taong inilayo sa kanya ang mga tukso, ang tunay na kasiyahan ay nasa taong inilayo sa kanya ang mga tukso, ang tunay na kasiyahan ay nasa taong inilayo sa kanya ang mga tukso, kaya ang sinumang idinaan sa pagsubok at siya'y naging matiyaga rito, siya ay mapalad at kahanga-hanga". Abu Daud [Hadith Bilang: (4263)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Al-Miqdad ibn Am’r, na kilala sa pangalang Al-Miqdad ibn Al-Aswad Al-Kanadie, isa sa mga malalapit sa Sugo (), at siya ang unang tinaguriang Faris (mangangabayong magiting na mandirigma) sa Islam, at siya ay kabilang sa mga dakila, marangal at magandang lalaki sa mga kasamahan ng Propeta (), siya ay napakabilis tumugon kapag inaaanyayahan sa Jihad hanggang sa kanyang katandaan, siya rin ang pinakauna sa nakipaglaban sa Persia sa Landas ng Allah, at nakibaka siya sa pakikipaglaban sa labanan sa Bad’r, sa Uhud, sa Khandaq at sa lahat ng labanan na kasama ang Sugo ng Allah ().
Siya ay nakapag-ulat ng (42) na Hadith sa mga aklat ng Sunnah.
Si Al-Miqdad ay lagi ng mapagbigay, sa katunayan siya ay nagbigay ng habilin para kay Al-Hasan at Al-Husain ng (36) libo, at sa mga ina ng mga mananampalataya (mga asawa ng Propeta () ng (7) libong Dirham sa bawa’t isa sa kanila.
Si Al-Miqdad ay binawian ng buhay sa lunsod ng Juruf na may layong tatlong milya mula sa Madinah taong ika-(33) sa Hijri sa kapanahunan ng pamumuno ng Ameerul Mu’mineen na si Uthman ibn Affan, na ang edad niya sa panahon na yaon ay (70) taon, pagkaraan ay dinala siya sa Madinah, at si Uthman ibn Affan ang nakapagsagawa sa kanya ng Salaatul Janazah (dasal para sa patay), at siya ay nailibing sa Baqi`.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Nakakamit ang kaligtasan mula sa tukso, katiwasayan, maayos na pamumuhay, pagkakaroon ng maraming kabutihan at biyaya sa bansa sa pamamagitan ng banal na pagkatakot sa Allah.
2. Ang Islam ay Relihiyon ng habag at katahimikan, katiwasayan at kaligtasan; dahil dito iniiwas ng Allah ang mga Muslim mula sa mga tukso, Siya ay nagsabi: ((At inyong katakutan ang Fitnah (kaguluhan, tukso, atbp.) na hindi lamang  tanging daranasin niyaong mga gumagawa ng kamalian sa inyo, sapagka't alalahanin na ang Allah ay mahigpit sa pagpataw ng parusa)). Anfal (8:25).
3. Ang nararapat sa isang Muslim sa panahon ng pagsubok at tukso ay magtiis at manguna sa paggawa ng mga kabutihan at magpakaabala sa pagsamba sa Allah.
4. Ang kahulugan ng Fawahan (sa Hadith na nabanggit) ay pagbubuntong-hininga, at ang tinutukoy nito ay kasawian sa taong tuwirang gumagawa ng tukso at patuloy itong ginagawa, at may nagsabi na ito ay isang paghanga, na ang ibig sabihin ay kahanga-hanga ang taong nakapagtitiis mula sa tukso.