44- Si Abdullah ibn Am'r ibn Al-`Aas (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinasabi: Na kanyang narinig sa Sugo ng Allah () na nagsasabi: "Katotohanan, ang lahat ng puso ng mga anak ni Adam ay nasa pagitan ng dalawang daliri ng mga daliri ng Mahabaging (Allah) gaya ng iisang puso, Kanyang pinangangasiwaan ito sa kung anong paraang nais Niya, at pagkatapos ay sinabi ng Sugo ng Allah (): "Allaahumma musarrifal quloob sarrif quloobana `alaa taa`atika (O Allah na Tagapaglihis ng mga puso, ilihis Mo ang aming mga puso sa pagsunod sa Iyo)". Muslim [Hadith Bilang: 17 – (2654)].


Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abdullah ibn `Amr ibn Al-`Aas Al-Qurashie Al-Sahamie, isang dakila at kilalang Sahabi (Kasamahan ng Propeta), siya ay yumakap sa Islam bago ang kanyang ama na si `Amr ibn Al-`Aas, at siya ay nakapag-ulat ng (700) na Hadith sa mga aklat ng Sunnah, at siya ay nakibaka sa pakikipaglaban sa ilang digmaan kasama ang Sugo ng Allah (), mayroon din siyang katanyagan sa pagsasa-ayos ng mga kalagayan at pangangasiwa ng mga negosyo, kaya't itinalaga siya ni Mu`awiyah sa Kufa bilang tagapamahala rito sa nabibilang na panahon.
Siya ay lagi nang nagsasalaysay tungkol sa Sugo ng Allah () at nagbibigay ng personal na opinyon sa paghatol sa Jami` Al-Fustat (Tinatawag na Masjid `Amr ibn Al-`Aas) sa Ehipto, kaya't maraming tao ang nakakuha nito sa kanya mula sa mga taga-Ehipto, taga-Sham (Sirya, Palestine, Jordan, Lebanon) at mga taga-Hijaz (taga-gitnang silangan), siya ay binawian ng buhay sa Ehipto taong ika-(65) sa Hijri, at inilibing sa loob ng kanyang tahanan, at may nagsasabi na siya ay namatay sa Sirya, datapuwa't mayroon ding nagsasabi na sa Makkah.


Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinatagubilin ng Hadith na ito sa isang Muslim na magsumikap sa pagtakda ng mga paraan upang maging matatag sa Relihiyon ng Allah, ang Islam, sapagka't ang mga kinahihinatnan ay dumarating pagkatapos ng pagtakda ng mga paraan at ang kaparaanan ng Allah ay hindi nagbabago.
2. Kapag nagpasiya ng tama ang isang tao tungo sa kanyang Panginoon at Tagapaglikha; pupunuin ng Allah ang kanyang puso ng katiwasayan, katahimikan, kaginhawahan at kaluwagan ng loob, at kapag nagpasiya naman siya ng mali tungo sa kanyang Panginoon at Tagapaglikha; pupunuin ng Allah ang kanyang puso ng takot, pangamba at paninikip ng dibdib, sapagka't ang mga puso ay pinangangasiwaan ng Allah sa anumang Kanyang nais at wala ito sa pangangasiwa ng tao.
3. Dapat paniwalaan na ang Allah ay may mga daliri, subali't hindi na kailangang ipaliwanag dito ng detalye.