67- Si Jabir (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: “Nakaugalian ng Propeta (), na kapag sa araw ng Eid ay sinasalungat niya ang daan (sa pagbalik)”. Al-Bukhari [Hadith Bilang: (986)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(38):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Maaaring ang wastong dahilan ng pagsalungat sa daan ay upang sumaksi sa kanya ang magkabilang daanan sa araw ng Pagkabuhay Muli sa harapan ng Allah, sapagka’t ang lupa ay magsasalita sa araw ng Pagkabuhay Muli tungkol sa anumang ginawa sa ibabaw nito; maging ito man ay mabuti o masama.
2. Nararapat sa isang Muslim ang pagsunod sa Propeta (r) bilang huwaran ayon sa abot kaya niya, na kahit hindi niya batid ang kadahilanan ng kanyang ginagawa.