Ang pinagmulan ng relihiyon ay nakasalalay sa dalawang bagay:

Una: Ang pag-anyaya sa tao na sumamba lamang sa AllahU – ang Nag-iisa at walang katambal, paghikayat sa iba na isagawa ito at pakikipagkaibigan sa kanila ukol dito at ituring silang di-nananampalataya kung kanilang itinakwil ito.

Pangalawa: Ang pagbibigay-babala laban sa Shirk. Ito ay ang  pagbibigay katambal sa pagsamba sa AllahU na dapat labanan at pakitunguhan nang may katatagan at kahigpitan at manatiling magkaroon ng pagkapoot ukol dito at ituring yaong gumagawa nito na di-mananampalataya.

ANG PITONG KONDISYON NG SHAHADA

May pitong kondisyon ang La Ilaha Illa Allah (Walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah) - Pagpapatotoo ng pananampalataya sa AllahU tungo sa matibay na pagsaksi:

Kaalaman sa kahulugan nito sa kapwa negatibo at pagsang-ayong aspeto.

Katiyakan nang may lubos na kaalaman na malaya sa lahat ng pag-aalinlangan tungkol dito.

Katapatan at kadalisayan ng layunin na siyang kasalungat ng Shirk.

Makatotohanan sa pagtanggi ng kasinungalingan at pagbabawal sa pagkukunwari.

Pagmamahal at debosyon sa patotoo ng pananampalataya.

Pagsuko at Pagtalima sa mga pangunahing kailangan nito na kumakatawan sa mga nakatakdang gawaing pagsamba na nararapat lamang sa AllahU at ang paghahangad sa ikasisiya ng AllahU.

Pagtanggap sa patotoo ng pananampalataya na siyang kasalungat ng pagtanggi o pagtatwa.


Ang mga Katibayan mula sa Banal na Qurán at Sunnah:

1 - Katibayan ng Kaalaman 

Ang AllahU ay nagsabi:

       
"Kaya alamin (O Muhammad) na La Ilaha Illa-Allah (Walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah. (Muhammad-47:19)

        
"Maliban sa mga sumasaksi sa katotohanan (sa Kaisahan ng Allah) at kanilang nalalaman (ang katotohanan tungkol sa Kaisahan ng Allah)". (Az-Zukhruf-43:86)

Batid nila sa kanilang mga puso kung ano ang namumutawi sa kanilang mga labi. 

Iniulat ni Uthman na si Propeta Muhammad ang Sugo ng AllahU ay nagsabi;

مَنْ مَاتَ وَهُوَ يَعْلَمُ أَنَّهُ لا إِلَهَ إِلا اللَّهُ دَخَلَ الْجَنَّةَ.

"Sinuman (sa aking mga tagasunod) ang namatay na lubos na nalalaman na walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, siya ay makapapasok sa Paraiso."  (Muslim/Bukhari).

2 - Katibayan ng Katiyakan: 

 Ang AllahU ay nagsabi:

                      
"Ang mga nananampalataya lamang na naniniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo at pagkaraka'y hindi nagkaroon ng pag-aalinlangan tungkol dito, manapa'y sa kanilang yaman at sa kanilang buhay ay nagsumikap sa landas ng Allah.   Sila ang mga matatapat." ( Al-Hujurat-49:15)

Ang kondisyon ng kanilang paniniwala sa AllahU at sa Kanyang Sugo ay yaong hindi nag-aalinlangan  o nagdududa.   Samantalang sa mga nagdududa, sila ang mga mapagkunwari.

Iniulat ni Abu Huraira na si Propeta Muhammad ay nagsabi:

أَشْهَدُ أَنْ لا إِلَهَ إِلا اللَّهُ وَأَنِّي رَسُولُ اللَّهِ لا يَلْقَى اللَّهَ بِهِمَا عَبْدٌ غَيْرَ شَاكٍّ فِيهِمَا إِلا دَخَلَ الْجَنَّةَ.

"Ako'y sumasaksi na walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at ako ay Sugo ng Allah. Ang sinumang alipin ng Allah na haharap sa Kanya nang may ganitong pagsaksi nang walang pag-aalinlangan tungkol dito ay tiyak na makapapasok sa Paraiso." (Bukhari)

فَمَنْ لَقِيتَ مِنْ وَرَاءِ هَذَا الْحَائِطِ يَشْهَدُ أَنْ لا إِلَهَ إِلا اللَّهُ مُسْتَيْقِنًا بِهَا قَلْبُهُ فَبَشِّرْهُ بِالْجَنَّةِ.

"Ang sinumang nasa kabila ng dingding na ito na sumasaksi na walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah, na naniniwala dito nang buong puso, ibibigay sa kanya ang magandang balita ng kanyang pagpasok sa Paraiso."

3 - Katibayan ng Katapatan:  

 Ang AllahU ay nagsabi:

      
"…Katiyakan ang relihiyon (pagsamba at pagsunod) ay sa Allah lamang."  (Az-Zumar-39:3)

          
"…At sila ay hindi inutusan maliban sa sila ay marapat sumamba sa Allah, at sumamba maliban sa Kanya lamang." (Al-Baiyinah-98:5)

Iniulat ni Abu Huraira na si Propeta Muhammad ay nagsabi :

أَسْعَدُ النَّاسِ بِشَفَاعَتِي يَوْمَ الْقِيَامَةِ مَنْ قَالَ لا إِلَهَ إِلا اللَّهُ خَالِصًا مِنْ قَلْبِهِ أَوْ نَفْسِهِ.

"Ang pinakamapalad na tao na makararanas ng aking pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom ay yaong nagsabi ng walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah nang may katapatan sa kanyang puso o sa kanyang sarili." (Bukhari)

فَإِنَّ اللَّهَ حَرَّمَ عَلَى النَّارِ مَنْ قَالَ لا إِلَهَ إِلا اللَّهُ يَبْتَغِي بِذَلِكَ وَجْهَ.

"Katotohanan, ipinagbawal ng Allah ang Apoy ng Impiyerno para sa mga nagsasabi ng walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah." (Bukhari)

Tinipon ni Nasai sa kanyang aklat (Al-yaum wal lai-lah – Ang araw at ang gabi) na ang dalawang Sahabah ay nag-ulat na si Propeta Muhammad ay nagsabi:

مَن قَالَ لا إِلَهَ إِلا اللهَ وَحْدَهُ لا شَرِيكَ لَهُ. لَهُ المُلْكُ وَلَهُ الحَمْدُ وَهُوَ عَلى كُلِّ شَيءٍ قَدِير مُخْلِصاً بِهَا قَلْبَهُ. يَصْدُقُ بِهَا لِسَانَهُ إلأ فَتَقَ اللهُ لَهَا السَّماءَ فَتْقاً حَتى يَنْظُرَ إلى قَائِلِهَا مِن أَهْلِ الأرْضِ. وَحَقٌ لِعَبْدٍ نَظَرَ اللهُ إِليْهِ أن يُعْطِيَهُ سُؤَالَهُ.
 
"Sinuman ang magsabi ng "La Ilaha Illa Allah, wadhahu la sharika lahu, lahu mulk wa lahul hamdu, wa huwa ala kulli shay-in Qadeer" (Walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah.  Siya ang Tanging walang katambal.  Para sa Kanya ang Kaharian at sa Kanya ang lahat ng Papuri.  Siya ang Pinakamakapangyarihan sa lahat) nang may katapatan sa kanyang puso at sumasaksi nang hayagan sa kanyang dila, bubuksan ng Allah ang langit para sa pahayag na ito.  At Siya ay titingin sa tagapagsalita nito sa mga nilalang sa daigdig.  At ang aliping nagpapahayag na nakikita ng Allah ay may karapatang pagkalooban ng kanyang hiling."

4 - Katibayan ng Pagiging Makatotohanan: 

Ang AllahU ay nagsabi:

                          
"Iniisip ba ng tao na sila ay hahayaan na lamang dahil sa kanilang pagsasabi ng, ‘kami ay naniniwala at hindi na sila susubukan?’  Katotohanan!  Aming sinubukan ang mga nauna sa kanila. At tiyak na ilalantad ng Allah yaong mga makatotohanan, at tiyak na ilalantad din Niya ang mga sinungaling." (Al-Ankabut-29:2-3)

                                       
"At sa sangkatauhan, may mga mapagkunwaring nagsasabi ng, ‘kami ay naniniwala sa Allah   at sa Huling Araw’ samantalang ang katotohanan ay hindi sila naniniwala. Iniisip nilang nalinlang nila ang Allah at yaong mga naniniwala, samantalang nilinlang lamang nila ang kanilang mga sarili at hindi nila ito nauunawaan.  Sa kanilang mga puso ay may isang sakit ng pag-aalinlangan at pagkukunwari at dinagdagan pa ng Allah ang kanilang sakit.  Isang napakasakit na paghihirap ang mapapasakanila sapagka't lagi silang nagsasabi ng mga kasinungalingan." (Al-Baqarah-2:8-10)

Si Muadh bin Jabal ay nag-ulat na ang Propeta ay nagsabi:

مَا مِنْ أَحَدٍ يَشْهَدُ أَنْ لا إِلَهَ إِلا اللَّهُ وَأَنَّ مُحَمَّدًا رَسُولُ اللَّهِ صِدْقًا مِنْ قَلْبِهِ إِلا حَرَّمَهُ اللَّهُ عَلَى النَّارِ.

"Walang sinumang sumaksi ng 'Laa ilaaha illa Allah wa anna Muhammadan Rasoolullah (Walang tunay na Diyos maliban sa Allah at si Muhammad ay Sugo ng Allah) nang may katapatan sa kanyang puso, ipagbabawal ng AllahU sa kanya ang Impiyerno." (Bukhari, Muslim) 

5 - Katibayan ng Pagmamahal:

Ang AllahU ay nagsabi:

             
"At sa sangkatauhan ay may itinatanging iba  (bilang katambal ng Allah sa kanilang pagsamba) bukod sa Allah bilang mga katambal. Minamahal nila ang mga ito katulad nang pagmamahal nila sa Allah.  Nguni't yaong mga naniniwala ay nagmamahal sa Allah nang higit sa anupaman". (Al-Baqarah-2:165)

                               
"O kayong mga nananampalataya!  Sinuman sa inyo ang tumalikod sa kanyang relihiyon (Islam) magkagayo'y, papalitan kayo ng Allah ng mga taong mamahalin Niya at magmamahal sa Kanya, na mapagpakumbaba sa kapwa naniniwala, at mahigpit sa mga di-naniniwala, na nakikipaglaban sa Landas ng Allah.   At kailanman ay hindi natatakot sa paninisi ng mga naninisi ". (Al-Maidah-5:54) 

Isinalaysay ni Anas na si Propeta Muhammad ay nagsabi:

ثَلَاثٌ مَنْ كُنَّ فِيهِ وَجَدَ حَلَاوَةَ الإِيمَانِ أَنْ يَكُونَ اللَّهُ وَرَسُولُهُ أَحَبَّ إِلَيْهِ مِمَّا سِوَاهُمَا وَأَنْ يُحِبَّ الْمَرْءَ لا يُحِبُّهُ إلا لِلَّهِ وَأَنْ يَكْرَهَ أَنْ يَعُودَ فِي الْكُفْرِ كَمَا يَكْرَهُ أَنْ يُقْذَفَ فِي النَّارِ .

"Sinuman ang nagtataglay ng mga sumusunod na mga katangian, ay mapapasakanya ang tamis ng Pananampalataya: Ang mahalin ang Allah at ang Kanyang Sugo) nang higit pa sa anupaman; Ang mahalin ang isang tao nang dahil sa AllahU  lamang; Ang masuklam na bumalik sa di-paniniwala katulad ng pagkasuklam niyang maitapon sa apoy.

6 - Katibayan ng Pagsuko:

Ang AllahU ay nagsabi:

       
"At ang pagsisisi ay ibaling sa inyong Panginoon at isuko ang inyong mga sarili sa Kanya."  (Az-Zumar-39:54)

           
"At sino pa ang nakahihigit sa relihiyon sa isa na isinuko ang mukha (sarili) sa Allah at siya ay isang matuwid." (An-Nisaa' 4:125)

              
"At sinuman ang taong isinuko ang kanyang mukha sa Allah habang siya ay gumagawa ng mabuti, samakatwid siya ay tumangan sa pinakamapagkakatiwalaang hawakan (la Illaha Ilallah) Walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah."  (Luqman-31:22)

                      
"Nguni't hindi! saksi ang inyong Panginoon, hindi sila magkakaroon ng pananampalataya hanggang hindi ka nila ginagawang tagapagpasiya (O Muhammad) sa lahat ng kanilang pagtatalo o di-pagkakaunawaan at walang nakikitang anumang pagtutol sa kanilang mga sarili laban sa inyong mga pasiya at tinanggap nila ang mga ito nang may lubos na pagsuko." (An-Nisa-4:65)

Si Propeta Muhammad ay nagsabi:

لا يُؤمِنُ أَحَدُكُم حَتّى يَكُونُ هَواهُ تَبَعَاً لِمَا جِئتُ بِهِ

"Wala sa inyo ang maaaring maging tunay na Muslim hanggang sa ang kanyang pagnanais ay sumuko sa anumang aking dalang Kapahayagan."

Katotohanan, ito ang lubos na pagsuko at dapat maging layunin ng isang Muslim.

7 - Katibayan ng Pagtanggap:

Ang AllahU ay nagsabi:

                                                  
"At gayundin, hindi Kami nagpadala ng tagapagbigay-babala na nauna sa iyo (O Muhammad) sa anumang bayan malibang nagsabi ang mga mayayaman sa kanila: ‘Natagpuan namin ang aming mga ninuno na sumusunod sa kaugalian at relihiyon at tunay na kami ay sumusunod sa kanilang mga yapak’, (Ang tagapagbigay-babala) ay nagsabi: "Kahit na ako ay magdadala sa inyo ng higit  na mainam na patnubay kaysa sa natagpuan ninyong sinusunod ng inyong mga ninuno?" Sila ay nagsabi: Katotohanan, kami ay hindi naniniwala diyan sa ipinadala sa iyo.  Kaya Aming ginantihan sila, at masdan kung ano ang naging wakas  ng mga nagtatwa. " (Az-Zukhruf-43:23-25)

                    
 "Tunay, nang sabihin ito sa kanila:  ‘Walang tunay na Diyos na  dapat sambahin maliban sa Allah’, sila ay naging palalo sa pagmamalaki at itinatwa ito. At kanilang sinabi; Iiwan ba namin ang aming mga diyos para sa kapakanan ng isang makatang nasisiraan ng bait?" (As-Safflat-37:35-36)

Isinalaysay ni Abu Musa na ang Propeta ay nagsabi:

مَثَلُ مَا بَعَثَنِي اللَّهُ بِهِ مِنَ الْهُدَى وَالْعِلْمِ كَمَثَلِ الْغَيْثِ الْكَثِيرِ أَصَابَ أَرْضًا فَكَانَ مِنْهَا نَقِيَّةٌ قَبِلَتِ الْمَاءَ فَأَنْبَتَتِ الْكَلَأَ وَالْعُشْبَ الْكَثِيرَ وَكَانَتْ مِنْهَا أَجَادِبُ أَمْسَكَتِ الْمَاءَ فَنَفَعَ اللَّهُ بِهَا النَّاسَ فَشَرِبُوا وَسَقَوْا وَزَرَعُوا وَأَصَابَتْ مِنْهَا طَائِفَةً أُخْرَى إِنَّمَا هِيَ قِيعَانٌ لَا تُمْسِكُ مَاءً وَلَا تُنْبِتُ كَلَأً فَذَلِكَ مَثَلُ مَنْ فَقُهَ فِي دِينِ اللَّهِ وَنَفَعَهُ مَا بَعَثَنِي اللَّهُ بِهِ فَعَلِمَ وَعَلَّمَ وَمَثَلُ مَنْ لَمْ يَرْفَعْ بِذَلِكَ رَأْسًا وَلَمْ يَقْبَلْ هُدَى اللَّهِ الَّذِي أُرْسِلْتُ بِهِ.

"Ang halimbawa ng patnubay at kaalaman na ipinadala sa akin ng AllahU ay katulad ng ulan na bumubuhos sa lupa.  Ang ilan ay matabang lupa na nagpasibol ng halamanan at damo nang masagana, ang isa pang bahagi nito ay matigas na lupa at inipon nito ang tubig ulan at binigyan kapakinabangan ng Allah ang mga tao dito at ito ay kanilang ginamit na inumin at sa pagpapatubig sa lupa para sa pagtatanim. At ang isang bahagi ay tuyo at hindi nakapag-ipon ng tubig ni nakapagpasibol ng halamanan kaya ang lupang ito ay hindi nakapagbigay ng kapakinabangan.  Ang unang halimbawa ng tao na nakauunawa ng relihiyon ng Allah (Islam) at nakakuha ng kapakinabangan mula sa kaalaman na ipinahayag ng Allah sa pamamagitan ko at natutuhan at pagkatapos ay itinuro ito sa iba. Ang huling halimbawa ay yaong isang tao na hindi tumatanggap ng patnubay ng Allah na ipinahayag sa pamamagitan ko."