(Ako ay sumasaksi na walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang Alipin at Sugo.
Si Propeta Muhammadr ay nagsabi: “Sinumang magsagawa ng Wudhu nang ganap at magsabi ng Ash-hadu an la ilaha illallah wa ash-hadu anna Muhammadan abduhu wa rasuluh’, ang walong tarangkahan ng Jannah (Paraiso) ay magbubukas at siya’y makakapasok sa alinmang (tarangkahang) kanyang nais.” (Muslim)
Paalaala:
Kapag ang Wudhu ay nasimulan na, walang ibang bagay na dapat pagkaabalahan maliban dito. Ang pagsagawa nito ay nararapat na tuluy-tuloy hanggang sa matapos.
Kung naisagawa na ang Wudhu bago isinuot ang mga medyas, hindi na kailangan pang hubarin ang mga ito sa pagsapit ng susunod na Wudhu. Sapat na ang haplusin ang itaas ng mga ito ng basang palad. Ito ay maaaring gawin sa loob ng isang araw at gabi (24 oras) sa mga nananatili sa kanikanilang pook o tahanan (tatlong araw at gabi naman sa mga naglalakbay). Kung sakaling hinubad ang mga ito at isinuot na muli bago sumapit ang susunod na Wudhu, kailangang hubarin ang medyas at hugasan ang paa sa muling pagsapit ng oras ng Wudhu.
Kailangang ulitin ang Wudhu kapag umihi, umutot, tumae, o hinawakan ng tuwiran ang maselang (pribadong) bahagi ng katawan o nawalan ng malay, o nakatulog ng mahimbing sa pagkakahiga.