Si Muhammad (ibig sabihin ay ang pinuri, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ni Allah), na anak ni Abdullah, ay ipinanganak sa Mecca noong taong 570 C.E. Siya ay nakilala sa kanila bilang Al-Amin (ang mapagkakatiwalaan).
Nang umabot si Muhammad ng edad na apatnapu, si Anghel Gabriel ay dumating sa kanya ng may kapahayagan. Una siyang inutusan na imbitahin ang kanyang mga malalapit na kamag-anak sa Islam, kabilang na rito ang kanyang asawang si Khadijah, hanggang sa iutos sa kanya na magsimula siyang iparating ang mensahe sa buong sangkatauhan. Sa mga sumunod na taon ng kanyang buhay, ay kanyang naiparating ang mensahe ni Allah sa iba, nagbigay siya ng tamang halimbawa at naging ganap na ehemplo para sa sangkatauhan. Sa taong 632, iniwan niya ang mundong ito sa edad ng animnapu’t tatlo.
Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ni Allah) ay tinawag na “Selyo ng mga Propeta”. Siya ang kahuli-hulihang propeta at isinugo upang patotohanan ang mga katotohanan na ipinahayag bago pa sa kanya, kabilang na ang ‘Ebanghelyo ni Hesus’.
Pinatutunayan ng Qur-an na: “Siya (Muhammad) ay Sugo ni Allah at selyo (panghuli) ng lahat ng mga Propeta.” (33:40)
Bilang patunay sa kanyang kaugnayan kay Hesus, sinabi niya (Propeta Muhammad): “Kung ang tao’y maniwala kay Hesus at pagkatapos ay maniwala sa akin, ay makakakuha siya ng dobleng gantimpala.”
Sinabi rin ni Propeta Muhammad: “Ako ang pinakamalapit sa lahat ng tao kay Hesus, ang anak ni Maria. Sapagkat walang propeta sa pagitan ko at siya (Hesus).”
Ang mga winika niyang ito’y nagpapaliwanag kung paanong pinarangalan ni Propeta Muhammad si Hesus (sumakanila nawa ang kapayapaan at pagpapala ni Allah). Ito ay propesiya na nabanggit ni Hesus sa Bibliya.