4- Si Huzayfa (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Ang Propeta () ay nagsabi: "Huwag kayong magsabi ng: Maa shaa Allah wa shaa-a fulaanu (sa pahintulot ng Allah at sa pahintulot ni ginoo); bagkus ang inyong sabihin ay: Maa shaa Allah, thumma shaa-a fulaanu (sa pahintulot ng Allah at pagkatapos ay sa pahintulot ni ginoo)". Abu Daud [Hadith Bilang: (4980)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Huzaifa ibn Al-Yaman ibn Husail Al-Absie, isa sa mga maharlika at matapang na Sahabi, siya ay may malalaking naibahagi sa pagsakop ng mga bayan, siya ang may hawak ng mga sekreto ng Sugo ng Allah (), at umabot ng (255) na Hadith ang kanyang naiulat, siya ay lumahok sa labanan sa Al-Khandaq at iba pang mga labanan pagkatapos nito, si Huzaifa ay may matayog na kalagayan at mataas na katayuan sa Sugo ng Allah (), at siya ay binawian ng buhay sa taong ika-(36) sa Hijri sa Iraq.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Hadith na ito ay naghihikayat sa pag-iingat ng doktrinang Tawheed na ganap na dalisay mula sa lahat ng karumihan ng Pagtatambal sa Allah.
2. Binibigyang linaw ng Hadith na ito na ang Allah ay Nag-iisa lamang, Siya ang sandigan ng lahat ng nilalang, walang kahati o katambal sa Kanyang Sarili, mga Pangalan, mga Katangian, mga Gawain at mga Kahatulan.
3. Ang Hadith na ito ay nagbibigay babala mula sa paggamit ng mga salitang labag sa Kaisahan ng Allah.