40- Si Huzaifah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, siya ay nagsabi: “Nakaugalian ng Propeta (), na kapag siya’y dinapuan ng malaking suliranin, siya ay nagsasagawa ng Salah”. Abu Daud [Hadith Bilang: (1319)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(4):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito na ang Salah ay isang malaking tulong para sa katatagan, subali't wala itong takdang panalangin, bagkus maaaring manalangin dito ang isang Muslim ng kahit anong nais niyang panalangin nang walang pagtatakda. Pinapatunayan ito ng Qu'ran ayon sa sinabi ng Allah: {At humingi kayo ng tulong (sa Allah) sa pamamagitan ng patitiis at pagdarasal. At tunay na ito ay sadyang mahirap gawin maliban sa mga mapagkumbaba (sa Kanya)}. Al-Baqarah (2:45).
At sinabi pa Niya: {O kayong mga mananampalataya, humingi kayo ng tulong (sa Allah) sa pamamagitan ng pagtitiis at pagdarasal, tunay na ang Allah ay lagi ng nasa panig ng mga matiisin}. Al-Baqarah (2:153).
Samakatwid, ang pagdarasal ang pinakamahusay na dahilan upang pigilin ang salot, pawiin ang suliranin at itulak ang tukso o kaguluhan.
2. Ipinapahiwatig ng Hadith na ito na maging ang pinuno ng mga Propeta (na si Muhammad ), ang pinakamamahal ng Allah sa lahat ng nilalang ay dumudulog din sa pagdarasal kapag may mabigat na suliranin, kaya't dapat natin siyang tularan dito.