13- عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ عَبَّاسِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا قَالَ: سَمِعْتُ مُحَمَّدًا
صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، يَقُوْلُ: "مَنْ صَوَّرَ صُوْرةً في الدُّنيا، كُلِّفَ
يَوْمَ الْقِيَامَةِ أَنْ يَنْفُخَ فِيْهَا الرُّوْحَ، وَلَيْسَ بِنَافِخٍ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 5963، واللفظ له، وصحيح
مسلم، رقم الحديث 100- (2110)،).
13- Si Abdullah ibn Abbas (Sumakanila nawa ang
kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi:
[Narinig ko kay Muhammad () na kanyang sinasabi:
“Ang sinumang gumuhit ng isang larawan sa
mundong ito, siya ay papanagutin sa Araw ng
Pagbabangong Muli sa paghipan ng kaluluwa nito,
samantalang hindi naman siya taga-ihip”]. Al-Bukhari
[Hadith bilang: (5963)], Muslim [Hadith bilang: 100-
(2110)]
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-6 na
Hadith.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ipinagbabawal ng Islam ang pag-ukit, ang paggawa
ng mga rebultong may kaluluwa, o ang pagguhit ng
larawan nito, gayundin ang pagbebenta nito,

Mga Piling Hadith
42
datapuwa’t ipinahintulot ang paggawa ng rebulto at
ang pagguhit ng larawan sa mga walang kaluluwa,
gaya ng mga kahoy, ilog, bundok, gusali at iba pa.
2. Ipinagbabawal din ng Islam ang pagguhit ng
larawan ng mga nilalang sa pamamagitan ng
emahinasyon at ang pag-ukit nito, sapagka’t ang mga
ito ay katulad din ng mga may kaluluwa sa kalikasan
nito at anyo, kahit pa man ang mga ito ay hindi kasing
tulad sa totoo.