16- عَنْ عَائِشَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهَا، قَالَتْ: قَالَ رَسُوْلُ اللهِ صَلَّى اللَّه
عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "خُلِقَتِ المَلاَئِكَةُ مِنْ نُوْرٍ، وَخُلِقَ الجَانُّ مِنْ مَارِجٍ مِنْ
نَارٍ، وَخُلِقَ آدَمُ مِمَّا وُصِفَ لَكُمْ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 60 - (2996)، ).
16- Si Aishah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng
Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah
() ay nagsabi: “Ang mga Anghel ay nilikha mula sa
liwanag, at ang mga Jinne ay nilikha mula sa usok ng
apoy, samantalang si Adam ay nilikha ayon sa
pagkakalarawan sa inyo”]. Muslim [Hadith bilang: 60-
(2996)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:

Mga Piling Hadith
49
Siya ang isa sa mga tinaguriang Ummul Mu'mineen
(ina ng mga mananampalataya), na si Aishah, anak na
babae ni Abu Bakr As-Siddiq, siya ay pinakasalan ng
Propeta () bago ang paglikas mula sa Makkah,
datapuwa’t ganap pa niyang naangkin ito sa Madinah
sa edad niyang (9) na taong gulang, at siya ay nasa
edad na (18) taong gulang nang mamatay ang
Propeta (). Siya (si Aishah) ang pinakamatalino at
pinakadalubhasa sa batas sa lipon ng mga tao noon
sa kanyang kapanahunan, pinakamaalam at may
pinakamagandang opinyon, at siya ay naging isa ring
magandang halimbawa sa kabutihang-loob at bukas-
palad. Nakapag-ulat siya mula sa Sugo ng Allah () ng
maraming Hadith, bagkus umabot ang naiulat niya ng
(2,210) na Hadith.
Siya (Aishah) ay binawian ng buhay sa Madinah,
Martes ng gabi, ika-17 sa buwan ng Ramadan o
Shawwal taong ika-57 o (58) sa Hijri, si Abu Hurairah
ang nakapagsagawa para sa kanya ng Salaatul
Janazah (dasal para sa patay) at siya ay nailibing sa
Baqi`.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:

Mga Piling Hadith
50
1. Sa Hadith na ito ay ipinahayag ang kaibahan ng
pagkakalikha sa pagitan ng mga anghel at mga jinni;
sapagka’t ang mga anghel ay nilikha mula sa liwanag,
at ang liwanag ay yaong tumatanglaw na
nagniningning, nagliliwanag ang lahat ng nasa paligid
nito dahilan sa angking liwanag, kintab at kislap nito,
samantalang ang mga Jinni naman ay nilikha mula sa
apoy; ang tinutukoy dito na mula sa apoy ay ang
ninuno ng mga Jinni na si Iblis (Satanas). Datapuwa’t
may nakapagsabi na ang pinatutukuyan dito ay iba at
hindi si Iblis .
2. Kinakailangan nating paniwalaan ang pagkakaroon
ng mga Jinni at mga demonyo, sapagka’t sila ay
kabilang sa mga nilikha ng Allah na nakakaranas din
ng kamatayan tulad ng tao.
3. Ang Pananampalataya ay binubuo ng anim na
haligi, at isa na rito ang paniniwala sa mga Anghel,
sila ay mararangal na mga alipin ng Allah at sila ay
nilikha mula sa liwanag na nagluluwalhati sa gabi’t
araw, at ang unang tao naman ayon sa pananaw at
pagsasalaysay ng Islam ay si Adam (Sumakanya nawa
ang kapayapaan), siya ay nilikha ng Allah mula sa
lupa, datapuwa’t hindi puro lupa lamang, bagkus siya

Mga Piling Hadith
51
ay isang nilalang na may buhay at may isipan, at
mayroon din siyang ugat, kalamnan at laman, buto at
dugo.