26- عَنْ عَبْدِ اللَّهِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: قَالَ لَنَا رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى
اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "يَا مَعْشَرَ الشَّبَابِ! مَنِ اسْتَطَاعَ منكُم الْبَاءَةَ؛
فَلْيَتَزَوََّجْ؛ فَإِنََّهُ أَغَضُُ لِلْبَصَرِ، وَأَحْصَنُ لِلْفَرْجِ، وَمَنْ لَمْ يَسْتَطِعْ؛
فَعَلَيْهِ بِالصََّوَْمِ؛ فَإِنََّهُ لَهُ وِجَاءٌ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 3 - (1400)، واللفظ له، وصحيح
البخاري، رقم الحديث 5066).
26- Si Abdullah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng
Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah
() ay nagsabi sa amin: “O kayong nasa lipon ng mga
kabataan! Ang sinuman sa inyo ang may kakayahan
sa mga kahilingan ng pagpapakasal ay marapat nang

Mga Piling Hadith
73
mag-asawa, sapagka’t ito ay pumipigil sa mga
mapupusok na paningin, at matibay na pananggalang
para sa ari, datapuwa’t ang sinumang walang
kakayahan nito, siya ay marapat na mag-ayuno na
lamang, dahil para sa kanya ay magsisilbi itong
pampawi ng pagnanasa”]. Muslim [Hadith bilang: 3-
(1400)], Al-Bukhari [Hadith bilang: (5066)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-2 na
Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang ibig sabihin ng “Al-Ba-a” sa Hadith na ito ay
ang mga kahilingan ng pagpapakasal. Ito ay
binansagan sa isang katawagan na magsisilbing
kaakibat nito, kaya ang magiging kahulugan nito: Ang
sinumang may kakayahan sa inyo sa mga kahilingan
ng pagpapakasal ay mag-asawa na, at ang sinumang
walang kakayahan nito ay marapat na mag-ayuno na
lamang, datapuwa’t ang walang kakayahan sa
pagtatalik ay hindi na kailangan pang mag-ayuno
dahilan sa kawalan ng pagnanasa, kaya ang

Mga Piling Hadith
74
kahulugan ng “Al-Ba-a” dito ay ang mga kahilingan
nito. Datapuwa’t mayroon din sa mga pantas at
eskolar (Sumakanila nawa ang Habag ng Allah) na
nagsasabi: Ang ibig sabihin dito ng kakayahan sa pag-
aasawa ay ang kakayahan sa mga kahilingan nito at sa
pakikipagtalik, kaya ang sinumang may kakayahan sa
pakikipagtalik at sa mga kahilingan ng pag-aasawa ay
marapat nang mag-asawa, at ang ibig sabihin naman
ng “Al-Wija” sa Hadith na ito ay ang pagpipigil sa
pagnanasa at pag-iingat sa paggawa ng kahalayan.
2. Hatid ng Hadith sa kabuuan nito ang isang
masidhing paghihikayat sa mga kabataan na
magmadali sa pag-aasawa sa sandaling nagkaroon ng
kakayahan sa pagdala ng mga pasanin at
pananagutan nito gaya ng gastusin, tirahan at tulad
nito, gayundin ang kakayahan sa pakikipagtalik at sa
pagkahilig nito.
3. Walang pag-aalinlangan na ang pag-aasawa ay may
malaking epekto sa pangangalaga ng ari at pagpipigil
sa mga mapupusok na paningin, at gayundin sa
paglilinis ng sarili at pagtutuwid ng puso.