33- عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللهِ صَلَّى اللَّه عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "ثَلاَثَةٌ لاَ يَنْظُرُ اللَّهُ عَزَّ وَجَلَّ إِلَيْهِمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ: الْعَاقُّ لِوَالِدَيْهِ، وَالْمَرْأَةُ الْمُتَرَجِّلَةُ، وَالدَّيُّوْثُ، وَثَلاَثَةٌ لاَ يَدْخُلُوْنَ الْجَنَّةَ: الْعَاقُّ لِوَالِدَيْهِ، وَالْمُدْمِنُ عَلَى الْخَمْرِ، وَالْمَنَّانُ بِمَا أَعْطَى".
(سنن النسائي، رقم الحديث 2562، حسنه الألباني وصححه).
33- Si Abdullah ibn Umar (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Tatlong (uri ng tao) ang hindi pagtutuunan ng pansin ng Allah sa Araw ng Pagbabangong Muli: Ang walang utang na loob o mapang-abuso sa kanyang mga magulang, ang babaeng gumagaya ng lalaki (tomboy) at ang lalaking walang pakialam sa ginagawa ng kanyang pamilya, at tatlo ring (uri ng tao) ang hindi makakapasok sa Paraiso: Ang walang utang na loob o mapang-abuso sa kanyang mga magulang, ang sugapa sa alak at ang mapagmalaki sa anumang naibibigay na kawang-gawa”]. An-Nasai [Hadith bilang: (2562)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-11 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Dapat paniwalaan ang lahat ng paglalarawan ng Allah sa Kanyang Sarili na binanggit sa Kanyang Aklat at ang paglalarawan ng Kanyang Sugo na si Muhammad () sa mga mapananaligang Sunnah nang walang paglilihis ng kahulugan, pagtatakwil ng kahulugan, ni walang paglalarawan at paghahalintulad, at ang katangiang pagkakaroon ng paningin sa panig ng Allah ay napatutunayan ayon sa naaangkop sa Kanyang Kamahalan; bagkus isa ito sa Kanyang mga partikular na Katangiang nauugnay sa Kanyang gawa batay sa Kanyang sariling Kapasiyahan at Kapangyarihan.
2. Ang ibig sabihin ng “Mutarajjilah” ay ang babaeng gumagaya sa mga kalalakihan, sa kanilang pananamit at kilos. At ang “Dayyuth” naman ay ang lalaking batid ang mga kahalayang nagaganap sa kanyang pamilya, nguni’t pinababayaan lamang niya ito at hindi sinasaway dahilan sa kawalan ng pagseselos at pagpapahalaga, at ang tinutukoy na kahalayan dito ay ang pangangalunya sa lahat ng uri nito at kadahilanan, gaya ng pagsarilinan ng lalaki’t babae, at ang sugapa naman sa alak ay yaong walang tigil sa pag-inom ng alak hanggang sa ikinamatay niya ito nang hindi niya napagsisihan.
3. At ang ibig sabihin naman ng “Mannan” ay ang taong nagbibigay ng kawanggawa sa isang tao o gumawa sa kanya ng kabutihan, datapuwa’t lagi niya itong binabanggit sa kanya at ipinagyayabang, at tungkol naman sa sinabing kawalan ng utang na loob o pang-aabuso sa magulang; ito ay kabilang sa mga malalaking kasalanan, kaya’t ang sinumang nakagawa ng isa sa mga malalaking kasalanan na ito ay marapat na magbalik-loob agad sa Allah bago pa man sumapit ang araw na wala nang makatatakas sa Allah.