S. Sabihin mo: Ito ay isang malaking shirk dahil ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 108:2): "Kaya magdasal ka sa Panginoon mo at mag-alay." Ang sabi pa Niya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 6:162-163): "Sabihin mo: 'Tunay na ang dasal ko, ang handog ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang, walang katambal sa Kanya. Iyon ay ipinag-utos sa akin, at ako ay una sa mga Muslim." Ang sabi ng Sugo naman - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Isinumpa ni Allāh ang sinumang nagkatay para sa iba pa kay Allāh." Isinaysay ito ni Imām Muslim.
Ang panuntunan ay nagsasabi: “Ang anumang [gawaing] ang pagbaling nito kay Allāh ay isang pagsamba, ang pagbaling nito sa iba pa kay Allāh ay shirk.”