PAMBUNGAD
Lahat na Papuri ay kay Allah lamang na Nag-iisa at Panalangin at Pagpapala sa nawa sa Propeta na walang kasunod na Propeta pagkatapos niya.
Ang tao sa kanyang natural na kalikasan ay gustong lumakbay at lumipat sa iba't ibang lugar, at sa iba't ibang sitwasyon. Bagkus ito ay naging libangan ng karamihan ng mga tao at aliwan. Kaya makikita mo siya sa bawat buwan nasa ibang bansa, o sa bawat tag-init ay nasa ibang lugar upang makamit ang kanyang hinahangad tulad sa pagsamba, o Hajj, o kaalaman, o Dawah, o biyaya, o pagpapasyal, o pangangaso, o iba pang pangangailangan. Kaya kailangan ng lahat na maging marunong, o kaya may kaalaman sa mga batas ng pagsamba sa paglalakbay at pananatili sa kanyang lugar, at kailangang kumuha sila ng kaalaman sa mga Maalam na maasahan at tanyag sa pagiging dalisay sa paniniwala, at kaisipan, at pamamaraan. Sapagkat ang kaalaman ay ang relihiyon mismo, kaya tignan ninyo kung kanino kayo kumukuha ng inyong relihiyon, at lalo na sa panahong ito na dumami na ang kamalian sa paniniwala at pamamaraan. At ang relihiyon, at paghahatol ay naging bakod na puwedeng daanan ng bawat isa hanggang naipasok ang mga tao sa kalituhan at pagkaligaw. Ang pinakamatinding hinahawakan ng Muslim sa buhay na ito ay ang kanyang relihiyon. Ito ay kumikitang kayamanan, at matinding proyekto mula sa kanyang murang edad hanggang humarap siya sa Allah. Dito rin ang kanyang tagumpay, at pagkalugi na dapat kinakatakutan na baka ito ay maglaho, o kaya mabawasan tulad ng isang negosyante na natatakot sa kanyang kayamanan at mawala. Kaya ingatan ng tao kung sino ang kanyang sinusunod sa mga batas o pagpapahintulot.
O mga Manlalakbay, Binabati ko kayo ng napakagandang pagbati bilang susi sa mga puso, at gagabayan ko kayo ng gabay sa mga puso. Kaya mabiyayang pagpapaabot gamit ang kaalaman, at pag-alala, at Aklat. Kaya mabiyayang gamit, at mabiyayang patutunguhan.
Kung ang mga magkapatid ay hindi magkita,
Walang mainam na makarugtong sa kanila kaysa Aklat ni Allah.
Walang mairegalo ang isang Muslim sa kanyang kapatid na mas mainam kaysa kaalaman para madagdagan siya ni Allah ng patnubay o mailayo siya sa kasamaan.
O mga Manlalakbay, Ihahandong ko sa inyo ang aking maiksing Aklat: (MUKTASAR FI AHKAMIS SAFAR) sa ikapitung limbang bilang pagtugon sa hiling ng ibang mga kapatid, para ito ay maging baon, at katuwang ng Manlalakbay, at madaling dalhin at matutunan, at patnubay sa mga baguhan, at sa wikang pinadali upang madaling unawain at basahin ang mga isyu rito. Pinabuti ko rin na makita ng Manlalakbay ang kanyang pakay at hangad, at pinaiksi ko rin ang pinakaimportanteng detalye sa paglalakbay. Ipinasok ko rito ang dalawang daan at limampung Isyu. At tinanggal ko ang mga pampahaba, at salungatan, at katibayan maliban sa ibang mga paksa, at inipon ko rito sa ibang mga Aklat sa Sunnah at mga paliwanag, at sa salita ng mga Sahaba, at Tabi'in, at Apat na Imam: Abu Hanifah, at Malik, at Shafi'e, at Ahmad, at kanilang mga Tagasunod, at iba pa mula sa mga Imam ng Islam, at mga Liwanag ng Patnubay - Kaawaan nawa sila ng Allah at gantimpalaan ng mabuti nawa sila sa Islam at mga Muslim - . Pinili ko ang pinakamalapit na Katibayan at paliwanag mula sa mga Maalam sa pahintulot ni Allah. Sabi ng Allah: 
فَإِنْ تَنَازَعْتُمْ فِي شَيْءٍ فَرُدُّوهُ إِلَى اللَّهِ وَالرَّسُولِ
"At kung nagkagulo kayo sa isang bagay ay bumalik kayo sa Allah at Mensahero" 4:59
At sinumang tumingin sa mga salungatan, at mga katibayan sa buong mga isyu sa Paglalakbay ay bumalik sa orihinal na Aklat at sa iba. Sumpa kay Allah, humihingi ako sa Allah na sana ito ay maging kapaki-pakinabang at katanggap-tanggap at sana gawin ito ng Allah na dalisay at mabiyaya at pakinabang sa pagdaan ng mga panahon, at maging kayamanan sa Araw ng Paghuhukom at mabuting gawa pagkatapos ng aking kamatayan. Ito ay ang mainam na pananagutan at magandang  aasahan, kaya tinawag ko itong (Baon ng Manlalakbay). Ginawa ko itong regalo sa sinumang gustong maglimbang ng aklat at magpakalat at pagsalin bilang kawanggawa sa aking mga magulang at pamilya. Nagpapasalamat rin ako sa aking kapatid na si Shiek / Abdur Rahim bin Abdur Rahman Al-Ajlan sa pag-iiksi niya sa Jami wal Mufid li Aslil Kitab. Sana ilagay ito ng aking Panginoon sa kanyang mabuting timbangan.