Isa sa mga natatanging ganda ng Islam ay ang bagay na hindi nilikha ng Diyos ang sangkatauhan bilang mga kaluluwa lamang, pagkatapos ay pababayaan tayong alamin sa ating mga sarili ang halaga at layunin ng ating pagiging kaluluwa. Bagkus binigyan Niya tayo ng pag-iisip upang magsaliksik sa katotohanan. Naglaan Siya sa bawat tao ng isang tasa ng patnubay na hindi nababakante hangga’t siya ay patuloy na umiinom nito. Sa pamamagitan ng pagiging perpekto ng Diyos, ang Kanyang liwanag ay nagdudulot ng bahaghari ng awa, pagpapala, at katarungan; at kinulayan ang ating mga kaluluwa ng ganap na pananampalataya na ginawa ng Diyos para sa atin.
Nilikha ng Diyos ang mundo at ang lahat ng napapaloob dito para sa kapakanan ng sangkatauhan, kaya malinaw na kabilang na sa Kanyang paglikha ang tunay at ganap na relihiyon. Ano ang relihiyon na iniutos kay Adan at Eba?
Ayon sa Qur-an, ang relihiyong pinili para sa atin ay ang ganap na pagsuko sa Diyos, kung saan sa wikang Arabe ay Islam. Inilalarawan ito ng Qur-an bilang siya ring relihiyon ni Abraham, na tinawag na kaibigan ng Diyos, isinuko lamang niya ang kanyang sarili sa Diyos.
Sa Islam, ang bawat taong ipinapanganak ay may kaluluwa na sumusuko sa Diyos, subalit siya ay malayang pumili ng landas na kanyang tatahakin o di kaya’y talikuran ang tamang buhay kung saan iyon ang dahilan ng pagkalikha sa kanya.
Sa isang bahagi ng buhay, bawat tao ay kailangang magdesisyon kung siya ba ay mananatili sa pagsuko sa Diyos o sumuong sa likong pamumuhay ng kasakiman, materiyalismo at luho ng sarili. Siyempre, maraming tao ang naligaw mula sa katotohanan at tamang landas sa pamamagitan ng di-mananampalatayang mga magulang o di kaya’y sa maling paraan ng ispiritwal pagpapalaki sa kanya. Sa Islam, ang Diyos ang Siyang hahatol ayon sa pagkaintindi ng bawat isa at sa kanilang likas na gawi; makasisigurado tayong makatarungan ang Kanyang magiging desisyon sa Araw ng Paghuhukom.
Kapag isinuko ng tao ang kanyang sarili sa Diyos, bawat aspeto ng kanyang pagiging tao –isip, katawan at kaluluwa- ay kailangang para sa Diyos lamang. Ang pagpapanatili sa kalinisan ng kaluluwa sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsamba ay sadyang napakahalaga, subalit importante rin namang magkaroon ng mga kapaki-pakinabang na karunungan ang isipan at humabilo ang katawan sa malusog na pamumuhay. Iniaalok ng Islam ang pagkakataon na alamin ang iyong ganap na katauhan. Sa pamamagitan ng pagiging Muslim, ikaw ay magiging totoo sa iyong sarili habang iniiwan mo ang lahat ng mga nakakapagod na pasanin at maglakbay sa tamang daan, na siyang daan ng iyong paa noong ikaw ay ipinanganak dito sa mundo.
Ang mga nakabibighaning mga katotohanan sa Islam ay kayang linawin ang katotohanan ng lahat ng relihiyon habang tinutulungan nito ang mga mananampalataya na iwinawaksi ang kasinungalingan. Ang saklaw ng Islam ay pangkalahatan.
* Si Linda Barto ay isang Amerikanang manunulat, makata at makasining.