Ang Islam ay Nagpapalaganap ng Kaalaman at Agham

img

Administrator

Ibahagi

Kategorya : Electronic Dialogue

Wika : Filipino

Mga Pananaw : 0

Idagdag sa Paborito : 0

‘IQRA’ (Basahin), ang siyang unang salita na ipinahayag ng Qur’an kay Propeta Mohammad (s). Ang mga naipahayag sa Qur’an at ang mga sinabi ng Propeta Muhammad – sumakanya ang Kapayapaan – ay nagbigay diin na ang Islam ay sumusuporta sa lahat na larangan ng Agham na kapaki-pakinabang sa sangkatauhan. At naipaliwanag na ang landas tungo sa pagsaliksik ng kaalaman na tatahakin ng isang Muslim ay siyang landas na maghahatid sa kanya sa Harden sa KabilangBuhay, tulad ng sinabi ng Sugo – sumakanya ang Kapayapaan – (ayon sa salin ng kahulugan) : “Sinuman ang tumahak sa landas upang magsaliksik ng kaalaman, papadaliin ng Diyos para sa kanya ang landas tungo sa Harden sa Kabilang-Buhay” (Muslim 2699).

Sa isang kahanga-hangang paghahambing ipinaliwanag ng marangal na Sugo (s): na ang pangunguna sa kahusayan ng isang taong maalam kung ikumpara sa isang debotong tagapagsamba ay tulad ng pangunguna ng marangal na Sugo na si Muhammad (s) kung ikumpara sa taong may taglay ng pinakamababang kahusayan (Tirmidhi 2685)

Dahil dito, walang naging pagtatalo sa pagitan ng Islam at Agham, hindi tulad sa nangyari sa ibang mga relihiyon. At hindi nangyaring may isinakdal na maalam ng dahil sa kanyang siyentipikong pananaw at konklusyon, hindi tulad ng kaso sa ‘Dark Ages’ sa maraming mga bayan sa Europa . Bagkus kabaliktaran nito, ang Islam ang siyang ilaw ng kaalaman, tagapagsuporta, at tagapaganyaya tungo dito, sa mga nagtuturo at mga gustong matuto, ang mga masjid na bahaydasalan ay naging parola ng iba’t ibang larangan ng Agham at Kaalaman, hangga’t itong mga ‘to ay kapaki-pakinabang sa sangkatauhan.

Hindi kataka-taka kung gayon, na ang karamihan sa mga Muslim na tanyag sa siyentipikong kaalaman ay nagsimula sa kanilang buhay sa pagsasaulo at pag-aaral ng Qur’an, at pag-uunawa sa mga alituntunin ng Islam, at pagkatapos ay nagpatuloy at nangunguna sa kani-kanilang mga naging larangan sa siyensya.

Pinarangalan ng Diyos ang taong maalam na nagturo sa mga tao; Si Propeta Muhammad, sumakanya ang Kapayapaan ay nag sabi (ayon sa salin ng kanyang sinabi): Tunay na ang lahat ng mga nilalang ay nananalangin para sa nagtuturo ng kabutihan sa mga tao. (Tirmidhi 2685).