Ang Pangangalaga sa Kapaligiran ay Bahagi at Kalakip sa Pananampalataya
Itinuring ng ilang mga pilosopo na ang tao ay ganap na Panginoon o nagmamay-ari ng sansinukob na ito, na kumikilos para sa sarili niyang kapakanan ayon sa kanyang mga ninanais, na siya’y walang tagasubaybay, na siya’y hindi mananagot, kahit na kung ito ay humantong man sa pagkasira ng bahagi ng kalikasan o kasiraan ng ibang nilalang. At kabaliktaran nito, itinuturing naman ng ilang mga pilosopo na ang tao ay walang ikinahihigit sa iba, na ito ay isa lamang sa milyon-milyong uri ng mga nilalang. Kaya ano naman ang pananaw ng katuruang Islam tungkol sa kaugnayan ng tao sa uniberso?
Ang pananaw ng Islam sa ugnayan ng tao sa sansinukob ay pag-unawang pang- relihiyon at teoretikal na mga pananaw, at ang Qur’an ay nagpapaloob ng detalyadong mga alituntunin upang matumbok ang kaugnayan sa tao, hayop, lupain, at mga yaman ng kalikasan. Ang
Ang Qur’an ay malinaw na nagpahayag na ang ang Panginoon ay pinarangalan ang tao at nakikilala siya mula sa iba pang mga nilalang (17 Isra: 70) at nilikhang tagaserbesyo sa kanya ang uniberso at mga nilalang sa paligid niya ay nilikha upang pakinabangan niya, at kanyang pangalagaan (14 Ibrahim: 32-33) Kaya ang tao ay hindi basta-bastang uri mula sa milyon-milyong iba pang uri ng mga nilalang na walang ipinagkaiba, kundi siya ay isang nilalang na pinarangalan at kagalang-galang, ginawang mapagkumbaba para sa kanya ang kapaligiran upang kanyang pakinabangan (2 Baqarah: 29).
Kasabay nito, binigyang diin sa atin ng Qur’an na ang tao ay hindi Panginoon ng sanlibutan na aasal sa kung ano nalang ang ninanais, at ang kanyang katayuan at karangalan ay hindi nagbibigay sa kanya ng karapatang sumira sa kapaligiran at umabuso sa yaman ng kalikasan, binibigyang diin nito na ang Soberano ay ang Tunay na Diyos, ang Tagapaglikha, ang gagampanan at posisyon ng tao ay namalagi sa pagiging kahalili sa salit-salitang pamamahala sa kalupaan, na ginawa siyang tagapag-alaga, may karapatang gumamit at makinabang, at inutusang magpatuloy sa pagpapaunlad at pagpapalago, nang walang kapinsalaan at kasiraan sa tao at sa iba pang nilalang (Hud 11 :61, 2 Al-Baqarah: 30)
Ang batas Islamiko, o Shari’ah, ay mahigpit na nagtagubilin sa mga tao ukol sa relasyon ng bawat isa at sa uniberso na nakapaligid sa kanila.
Ang ilang mga mga halimbawa ay narito.
Mga Serbisyo ng Artificial Intelligence
- I-download
- Mga Tweets
- SEO (Search Engine Optimization)
- شرح للاطفال
- Mga Emosyon sa Clip
- Tanong at Sagot
- Mga Natutunang Aral
- Mga Paksang Pang-edukasyon
- Inirekomendang Khutbah
- Buod
- Script para sa Video Clip
- Mind Maps
- Infograph
- Flow Chart
- Disenyo ng Brochure
- Seo - Enhanced-تعديل
- Post sa Facebook
- Mga Hashtag
- Pangunahing Punto
- Teksto para sa Disenyo
- الاحاديث
- Pag-refute sa mga Paninira laban sa Sunnah / Hadith