Islam ang Relihiyon ng Lahat ng Sugo ng Panginoon
Sa Qur’an ay malinaw na nakasaad na ang Panginoon ay nagpadala ng mga Sugo / Mensahero sa lahat ng mga nasyon sa magkakaibang panahon upang ituro ang relihiyon ng Diyos. Patungkol kay Propeta Muhammad (s), ang Qur’an (35:24) ay nasasaad na, “Ipinadala namin sa inyo ang katotohanan bilang tagapagdala ng mabuting balita at magbigay ng babala. Walang nasyon na hindi pinadalhan ng tagapagbigay ng babala.” Kung ganon, ang lahat ng Sugo ng Diyos ay dumating na may parehong relihiyon at hindi sila magkakaiba sa mga prinsipyo ng pananampalataya at moral.
Ang mga Muslim ay naniniwala, kung saan ang huling Propeta na si Muhammad (s) ay sinugo, mahigit 1400 taon na ang nakalipas, at ang pagkumpleto sa relihiyon na ipinahayag sa lahat ng Sugo at Propeta na nauna sa kanya. Kinikilala at nirerespeto ng mga Muslim ang mga Sugo at Propeta na binanggit sa Bibliya at sa Torah. Sa Qur’an (2:136) obligado sa mga Muslim ang maniwala sa lahat ng kapahayagan na ipinadala sa mga naunang Sugo ng Diyos, gaya nina Abraham, Isaac, Jacob, Moses at Hesus.
Ang Arabik na salitang ‘Islam’ ay binubuo ng maraming kahulugan kasama na ang pagsumite, pagsunod, katapatan, debusyon, kapayapaan at katahimikan.
Sa Qur’an (2:132) nakalahad sa atin ang kautusan ni Abraham sa kanyang mga anak bago ang kanyang kamatayan, katulad ng paglalahad ng kay Jacob sa kanyang mga anak, sinabi sa kanila na ang Diyos ay pinili ang tunay na relihiyon para sa kanila at nagbigay ng babala na huwag silang abutan ng kamatayan maliban na nasa ganap na pag sunod / pagsuko sa Diyos. Kagaya mismo ng Muslim (na ganap na sumusuko).
Ang mga Muslim ay naniniwala na ang kahalagahan o hilagyo ng Abrahamic na relihiyon ay pareho, may pagkakaiba lamang dahil sa kultura, kaugalian, pagkakaiba ng salin o interpretasyon ng tao, subalit si Muhammad(s) ay ang huling Sugo sa lahat ng mga Sugo, ay ipinadala sa lahat ng sangkatauhan na may kumpleto at huling banal na batas (Ang Qur’an 3:19).
Kaya naman ang Qur’an (3:19) ay malinaw na nagpahayag na iisa ang relihiyon, at ito ay ang Islam, At ang pagkakaiba-iba na ating nakikita mula sa mga taga sunod ng ibat-ibang relihiyon sa larangan ng paniniwala ay malinaw na pagbaluktot na naglalayo sa kanila mula sa tunay na mensahe na dinala sa kanila ng kanilang mga Sugo.
Mga Serbisyo ng Artificial Intelligence
- I-download
- Mga Tweets
- SEO (Search Engine Optimization)
- Pag-refute sa mga Paninira laban sa Sunnah / Hadith
- شرح للاطفال
- Mga Emosyon sa Clip
- Tanong at Sagot
- Mga Natutunang Aral
- Mga Paksang Pang-edukasyon
- Inirekomendang Khutbah
- Script para sa Video Clip
- Buod
- Mind Maps
- Infograph
- Flow Chart
- Disenyo ng Brochure
- Post sa Facebook
- Mga Hashtag
- Pangunahing Punto
- Teksto para sa Disenyo
- الاحاديث
- Seo - Enhanced-تعديل