Ang Kahulugan ng Salitang ‘Islam’

img

Administrator

Ibahagi

Kategorya : Electronic Dialogue

Wika : Filipino

Mga Pananaw : 0

Idagdag sa Paborito : 0

Ang Arabik na salitang ‘Islam’ ay nagtataglay ng maraming kahulugan kabilang dito ang pagsuko, pagsunod, taus-puso, pagtangi, debusyon kapayapaan at katahimikan. 

Ang Islam ay nangangahulugan ng kabuuang pagsuko sa Panginoon, ang Tagapaglikha, ang tunay na Hari at malaya mula sa ibang anyo ng pananampalataya liban pa sa Kanya. 

Ito ang kahulugan na ipinaliwanag sa maraming talata ng Qur’an.

 Sa 31:22, halimbawa, nabasa natin na sinuman ang sumuko ng taos at buong puso sa dakilang Panginoon, sumusunod sa Kanyang ipinag-uutos at umiwas sa Kanyang mga ipinagbabawal ay katotohanang “may matatag na pananampalataya o paniniwala” at kung magkaganun ay makakarating ng ligtas. 

Ang Islam ay nangangahulugan ng buong pusong pag suko sa Panginoon, at pagtakwil sa pananampalataya sa iba maliban lamang sa Kanya. Samakat’wid ang tagasunod ng Islam, Ang Muslim ay tumutukoy sa sinuman na sumusuko ng buong puso sa Panginoon, tauspusong sumasamba sa Kanya, namumuhay ng mapayapa at nagpapalaganap ng kapayapaan.