Ang Relihiyon ng Islam

img

Administrator

Ibahagi

Kategorya : Electronic Dialogue

Wika : Filipino

Mga Pananaw : 0

Idagdag sa Paborito : 0

Kadalasan ng relihiyon sa buong mundo ay ipinangalan o isinunod sa tao, sa nasyon o bansa kung saan ito nag simula. Halimbawa, ang Kristiyanismo ay ipinangalan mula kay Hesu Kristo, ang Judaismo ay mula sa tribu ni Judah, ang Buddismo ay mula sa titulo o katawagan sa kanilang tagapagtatag at ang Hinduismo ay mula sa India, at iba pa. 

Ang Islam, ay hindi hango sa pangalan ng tao, tribu, o grupo. Ito ay hindi para sa partikular na grupo ng sangkatauhan o tinatag ninuman upang magtaglay ng kanilang pangalan. Ito ay tinawag na Islam, na ang kahulugan ay pagsunod, pagsuko at pagtalima sa kagustuhan ng nag-iisang Dakilang Tagapaglikha.