Mga Katanungang Mapapa-isip ka
Sino Sino ba sa atin ang hindi nagtanong sa ating sarili, “Sino Ako? Saan ako nagmula? Saan ako patungo? Ano ang nangyayari matapos mamatay ang tao? Ano ang layunin ng ating pag-iral? Bakit ako nagsusumikap sa pansamantalang buhay na ito kung sa kaduluduluhan, kamatayan, alikabok at kawalan naman ang hantungan?”
Ang mga Muslim, at maging ang mga tagasunod ng ibang Abrahamic na relihiyon ay naniniwala na ang buhay ay nabibigyan ng kahulugan ng pananampalataya at pagtiwala sa makatarungan na Tagapaglikha at ang buhay sa kabilang buhay ay pinagpala sa mga matuwid at kaparusahan naman sa mga masama. Ang salimuot at pagsubok sa buhay ay parte ng plano ng makatarungan at higit na maalam na Panginoon at Tagapaglikha, na Siyang nagsisiguro na ating matatamo ang gantimpala sa kabilang buhay.
Kami ay naniniwala na bukod tanging sa pananampalataya lamang sa kataas-tasang Tagapaglikha tayo ay totoong malayang makakapamuhay nang makatarungan, may pagmamahalan, pagdadamayan, makatotohanan, pagpapasensya at habag, at matatagpuan ang tunay na kahulugan ng ating buhay.
Ang Qur’an, ang Banal na Aklat ng Islam, ay nag sabi sa atin sa 3:191 na yaong mga biniyayaan ng pang-unawa “…nagmumuni-muni at pinag-iisipan ang mga nilikha mula sa kalangitan at sa kalupaan, at nag sasabi, ‘O aming Panginoon, hindi mo ito nilikha para sa wala. Ang papuri ay Sumaiyo!…’’
Hindi maaaring maunawaan ang pagkakasalungat sa buhay, ang tama at mali at ang tunay na layunin ng paghihirap, mga pagsubok at mga pagdurusa ng hindi naniniwala sa isang pantay at matalinong Nag-iisang Tunay na Panginoon at Tagapaglikha na nagsasa-ayos ng lahat ng mga bagay at pangyayari.
Mga Serbisyo ng Artificial Intelligence
- I-download
- Mga Tweets
- SEO (Search Engine Optimization)
- Pag-refute sa mga Paninira laban sa Sunnah / Hadith
- شرح للاطفال
- Mga Emosyon sa Clip
- Tanong at Sagot
- Mga Natutunang Aral
- Mga Paksang Pang-edukasyon
- Inirekomendang Khutbah
- Buod
- Script para sa Video Clip
- Mind Maps
- Infograph
- Flow Chart
- Disenyo ng Brochure
- Seo - Enhanced-تعديل
- Post sa Facebook
- Mga Hashtag
- Pangunahing Punto
- Teksto para sa Disenyo
- الاحاديث