Ang mga Haligi ng Islām

img

Marqoom

Kategorya : Electronic Dialogue

Wika : Filipino

Mga View : 85

Idagdag sa mga paborito : 0

Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, pagpapanatili ng ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, pag-aayuno sa Ramaḍān, [pagsasagawa ng] ḥajj sa Bahay [ni Allāh]."Napagkaisahan sa katumpakan.

Ang mga haligi ng Islām ay mga pagsambang inoobliga sa bawat Muslim. Hindi natutumpak ang pagkaanib sa Islām ng tao malibang sa pamamagitan ng paniniwala sa pagkakailangan ng mga ito at pagsasagawa sa mga ito dahil ang Islām ay itinayo sa mga ito. Dahil doon, tinawag ang mga ito na mga haligi ng Islām.

Ang mga haliging ito ay ang sumusunod:

Ang Unang Haligi: Ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh.
Nagsabi si Allāh:﴿ فَاعْلَمْ أَنَّهُ لَا إِلَهَ إِلَّا اللَّهُ﴾ {Kaya alamin mo na walang Diyos kundi si Allāh.}(Qur'ān: 47:19)Nagsabi pa Siya:﴿ لَقَدْ جَاءكُمْ رَسُولٌ مِّنْ أَنفُسِكُمْ عَزِيزٌ عَلَيْهِ مَا عَنِتُّمْ حَرِيصٌ عَلَيْكُم بِالْمُؤْمِنِينَ رَؤُوفٌ رَّحِيمٌ﴾ {Talaga ngang may dumating sa inyo na isang Sugo kabilang sa mga sarili ninyo, na mabigat sa kanya ang anumang ininda ninyo, na masigasig sa inyo, na sa mga mananampalataya ay mahabaging maawain.}(Qur'ān 9:128)

Ang kahulugan ng pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh ay walang sinasamba na totoo kundi si Allāh.

Ang kahulugan ng pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh ay ang pagtalima sa kanya sa anumang ipinag-utos niya, ang paniniwala sa kanya sa anumang ipinabatid niya, at ang pag-iwas sa anumang sinaway niya at sinawata niya, at na hindi sambahin si Allāh malibang ayon sa isinabatas niya.

Ang Ikalawang Haligi: Ang Pagpapanatili ng Ṣalāh
Nagsabi si Allāh:﴿ وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ﴾ {Magpanatili kayo ng pagdarasal}(Qur'ān 2:110)

Ang pagpapanatili ng ṣalāh (pagdarasal) ay sa pamamagitan ng pagsasagawa nito ayon sa paraan na isinabatas ni Allāh at itinuro sa atin ng Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan siya Nito at pangalagaan).

Ang Ikatlong Haligi: ang Pagbibigay ng Zakāh.
Nagsabi si Allāh:﴿ وَآتُوا الزَّكَاةَ﴾ {at magbigay kayo ang zakāh}(Qur'ān 2:110)

Isinatungkulin ni Allāh ang zakāh bilang pagsubok sa katapatan ng pananampalataya ng Muslim, bilang pagpapasalamat sa Panginoon niya sa iminagandang-loob Niya sa kanya mula sa biyaya ng yaman, at bilang pagtulong sa mga maralita at mga nangangailangan.

Ang pagbibigay ng zakāh ay sa pamamagitan ng pagbibigay nito sa mga karapat-dapat.

Ang zakāh ay isang tungkuling kinakailangan sa yaman kapag umabot ito sa isang takdang kantidad, na ibinibigay sa walong uring binanggit ni Allāh sa Marangal na Qur'ān, na kabilang sa kanila ang maralita at ang dukha.

Sa pagbibigay nito ay may isang pagtataglay ng katangian ng pagkaawa at simpatiya, may isang pagdadalisay sa mga kaasalan ng Muslim at mga ari-arian niya, may isang pagpapalugod sa mga kaluluwa ng mga maralita at mga dukha, at may isang pagpapalakas ng mga bigkis ng pag-ibig at kapatiran sa gitna ng mga individuwal ng lipunang Muslim. Dahil doon, tunay na ang maayos na Muslim ay naglalabas ng zakāh habang masaya rito ang sarili niya habang maligaya sa pagbibigay nito dahil sa dulot nito na pagpapaligaya sa iba pa sa kanya kabilang sa mga tao.

Ang kantidad ng zakāh ng mga yaman ay 2.5% – mula sa yamang natipon mula sa ginto, pilak, mga salapi, at mga panindang pangkalakal na nakalaan para sa pagtitinda at pagbili para sa tubo – kapag umabot ang halaga ng mga ito sa isang takdang kantidad at lumipas sa mga ito ang isang buong taon.

Kinakailangan din ang zakāh sa sinumang nagmamay-ari ng isang takdang bilang ng mga hayupan (mga kamelyo, mga baka, at mga tupa) kapag kumakain ang mga ito mula sa damo ng lupa sa higit na maraming araw ng taon nang hindi pinakakain ng may-ari ng mga ito.

Gayon din, kinakailangan ang zakāh sa lumalabas mula sa lupa gaya ng mga kayamanan, na natatagpuan mula sa kayamanang inilibing sa panahon ng Kamangmangan, at gayon din ang mga butil, ang mga bunga, at ang mga metal kapag umabot ang mga ito sa isang takdang kantidad.

Ang Ikaapat na Haligi: ang Pag-aayuno sa Buwan ng Ramaḍān.
Nagsabi si Allāh:﴿ يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُتِبَ عَلَيْكُمُ الصِّيَامُ كَمَا كُتِبَ عَلَى الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ﴾ {O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.}(Qur'ān 2:183)

Ang Ramaḍān ay ang ikasiyam na buwan sa taon ng kalendaryong Hijrīy. Ito ay isang buwang dinadakila sa ganang mga Muslim. Mayroon itong isang katayuang natatangi sa nalalabi sa mga buwan ng taon. Ang pag-aayuno rito nang buo ay isa sa Limang Haligi ng Islām.

Ang pag-aayuno sa Ramaḍān ay ang pagpapakamananamba kay Allāh sa pamamagitan ng pagtigil sa pagkain, pag-inom, pakikipagtalik, at nalalabi sa mga tagapagpatigil-ayuno mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw sa kahabaan ng pinagpalang buwan ng Ramaḍān.

Ang Ikalimang Haligi: Ang Ḥajj sa Bahay na Pinakababanal ni Allāh
Nagsabi si Allāh:﴿ وَلِلَّهِ عَلَى النَّاسِ حِجُّ الْبَيْتِ مَنِ اسْتَطَاعَ إِلَيْهِ سَبِيلًا﴾ {Kay Allāh ay tungkulin ng mga tao ang pagsagawa ng ḥajj sa *[Pinakababanal na] Bahay: ng sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas.}(Qur'ān 3:97)Ang pagsasagawa ng ḥajj ay ukol sa sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas iisang beses sa tanang-buhay. Ito ay ang pagsasadya sa Bahay na Pinakababanal [ni Allāh] at mga binanal na pook sa Makkah Mukarramah para sa pagsasagawa ng mga takdang pagsamba sa isang takdang panahon. Nagsagawa nga ng ḥajj ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagsagawa ng ḥajj ang iba pa sa kanya na mga propeta bago pa niya. Nag-utos si Allāh kay Abraham (sumakanya ang pangangalaga) na manawagan sa mga tao sa pagsasagawa ng ḥajj, gaya ng ipinabatid hinggil doon ni Allāh sa Marangal na Qur'ān sapagkat nagsabi Siya:﴿ وَأَذِّنْ فِي النَّاسِ بِالْحَجِّ يَأْتُوكَ رِجَالًا وَعَلَى كُلِّ ضَامِرٍ يَأْتِينَ مِنْ كُلِّ فَجٍّ عَمِيقٍ﴾ {Magpahayag ka sa mga tao ng ḥajj, pupunta sila sa iyo nang mga naglalakad at lulan ng bawat payat na kamelyo: pupunta ang mga ito mula sa bawat daanang malalim,}(Qur'ān 22:27)

Ang Ikalawang Antas: Ang Īmān (Pananampalataya)
Ang Pananampalataya ay ang pagpapatibay, ang tiyakang pagpapatotoo, at ang lubos na pagkilala sa lahat ng ipinag-utos ni Allāh at ng Sugo Niya na pagsampalataya sa Kanya at pagpapaakay nang lantaran at palihim. Kaya ang Pananampalataya ay ang pagpapatotoo ng puso at ang paniniwala nito, na naglalaman ng mga gawain ng mga puso at mga gawain ng katawan. Iyon ay sumasaklaw sa pagsasagawa sa Relihiyon sa kabuuan nito, na nadaragdagan sa pamamagitan ng pagtalima at nababawasan sa pamamagitan ng pagsuway.

Ang mga Haligi ng Pananampalataya
Tinanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pananampalataya kaya nagsabi siya:"Na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga Sugo Niya, sa Huling Araw, at sumampalataya ka sa pagtatakda: sa masama nito at mabuti nito."Ang mga Haligi ng Pananampalataya ay ang mga pagsambang pampuso na inoobliga sa bawat Muslim. Hindi matutumpak ang pagkaanib sa Islām ng tao malibang sa pamamagitan ng paniniwala sa mga ito at paggawa ng hinihiling ng mga ito. Dahil doon, tinawag ang mga ito na mga haligi ng pananampalataya.Ang pagkakaiba sa pagitan ng mga ito at ng mga haligi ng Islām ay na ang mga haligi ng Islām ay mga gawaing panlabas na isinasagawa ng tao sa pamamagitan ng mga bahagi ng katawan niya gaya ng pagbigkas ng Dalawang Pagsaksi, pagdarasal, at pagbibigay ng zakāh samantalang ang mga haligi ng Pananampalataya naman ay mga gawaing pampuso na isinasagawa ng tao sa pamamagitan ng puso niya tulad ng pagsampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, mga kasulatan Niya, at mga sugo Niya.

Ang Unang Haligi: Ang Pananampalataya kay Allāh
Nagsabi si Allāh:﴿ إِنَّمَا الْمُؤْمِنُونَ الَّذِينَ آمَنُوا بِاللَّهِ﴾ {Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga sumampalataya kay Allāh}(Qur'ān 24:62)

Sumasampalataya tayo sa kairalan ni Allāh at naniniwala tayo sa kaisahan Niya sa pagkapanginoon Niya, pagkadiyos Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya sapagkat ang pagsampalataya kay Allāh ay naglalaman ng sumusunod:

Ang pananampalataya sa kairalan Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).

Ang pananampalataya sa pagkapanginoon Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) at na Siya ay ang Tagapagmay-ari ng bawat bagay, ang Tagalikha nito, ang Tagatustos Nito, at ang Tagapangasiwa ng nauukol dito.

Ang pananampalataya sa pagkadiyos Niya (kaluwalhatian sa Kanya) at na Siya ay ang karapat-dapat sa pagsamba – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya sa anuman mula rito, gaya ng pagdarasal, pananalangin, pamamanata, pag-aalay, pagpapatulong, paghiling ng pagkupkop, at lahat ng mga iba pang pagsamba.

Ang pananampalataya sa mga pangalan Niyang pinakamagaganda at mga katangian Niyang pinakamatataas na pinagtibay Niya para sa sarili Niya at pinagtibay para sa Kanya ng Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) at ang pagkaila sa ikinaila Niya para sa sarili Niya at ikinaila para sa Kanya ng Propeta (basbasan Niya ito at pangalagaan); na ang mga pangalan Niya ay umabot sa kasukdulan ng kalubusan at kagandahan, at na walang katulad sa Kanya na anuman at Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita.

Ang Ikalawang Haligi: Ang Pananampalataya sa mga Anghel
Nagsabi si Allāh:﴿ الْحَمْدُ لِلَّهِ فَاطِرِ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ جَاعِلِ الْمَلَائِكَةِ رُسُلًا أُولِي أَجْنِحَةٍ مَثْنَى وَثُلَاثَ وَرُبَاعَ يَزِيدُ فِي الْخَلْقِ مَا يَشَاءُ إِنَّ اللَّهَ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ﴾ {Ang papuri ay ukol kay Allāh, na Tagapaglalang ng mga langit at lupa, na Tagagawa sa mga anghel bilang mga sugo na may mga pakpak na dalawahan, tatluhan, at apatan. Nagdaragdag Siya sa paglikha ng anumang niloloob Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.}(Qur'ān 35:1)

Sumasampalataya tayo na ang mga anghel ay nilalang na pangnakalingid at na sila ay mga lingkod para kay Allāh, na nilikha Niya mula sa isang liwanag at ginawa Niya na mga nakatalima na mga nagpapakaaba sa Kanya.

Sila ay dakilang nilikha, na walang nakasasaklaw sa lakas nila at bilang nila kundi si Allāh. Lahat sila ay may mga paglalarawan, mga pangalan, at mga katungkulang itinangi sa kanila ni Allāh. Kabilang sa kanila si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga), ang itinalaga sa pagkakasi, na pinababa nito mula kay Allāh tungo sa mga sugo Niya.

Ang Ikatlong Haligi: Ang Pananampalataya sa mga Kasulatan
Nagsabi si Allāh:﴿ قُولُوا آمَنَّا بِاللَّهِ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْنَا وَمَا أُنْزِلَ إِلَى إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطِ وَمَا أُوتِيَ مُوسَى وَعِيسَى وَمَا أُوتِيَ النَّبِيُّونَ مِنْ رَبِّهِمْ لَا نُفَرِّقُ بَيْنَ أَحَدٍ مِنْهُمْ وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ﴾ {Sabihin ninyo: "Sumampalataya kami kay Allāh, sa pinababa sa amin, at sa pinababa kina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob, sa mga lipi ng Israel, sa ibinigay kay Moises at kay Jesus, at sa ibinigay sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa kabilang sa kanila. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop."}(Qur'ān 2:136)

Sumasampalataya tayo na si Allāh ay nagpababa sa mga sugo Niya ng mga kasulatan bilang patunay sa mga nilalang at bilang tagapangatwiran para sa mga nilalang,

na nagtuturo sa kanila sa pamamagitan ng mga ito ng karunungan at nagbubusilak sa kanila;

na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya), sa pamamagitan ng pagsusugo Niya sa Propeta Niyang si Muḥammad (basbasan Niya ito at pangalagaan) sa mga tao sa kalahatan, ay nagpawalang-bisa sa pamamagitan ng Batas nito sa nalalabi sa mga naunang batas at gumawa sa Marangal na Qur'ān bilang tagapagsubaybay sa nalalabi sa mga kasulatang makalangit at bilang tagapawalang-bisa sa mga ito. Naggarantiya nga si Allāh ng pag-iingat sa Marangal na Qur'ān mula sa alinmang pagpapalit o pagpilipit sapagkat nagsabi Siya:﴿ إِنَّا نَحْنُ نَزَّلْنَا الذِّكْرَ وَإِنَّا لَهُ لَحَافِظُونَ﴾ {Tunay na Kami ay nagbaba ng Paalaala at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat.}(Qur'ān 15:9)Ito ay dahil ang Marangal na Qur'ān ay ang kahuli-hulihan sa mga kasulatan ni Allāh sa sangkatauhan, ang Propeta Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang kahuli-hulihan sa mga sugo, at ang Relihiyong Islām ay ang Relihiyon na kinalugdan ni Allāh para sa sangkatauhan hanggang sa pagsapit ng Huling Sandali. Nagsabi ni Allāh:﴿ إِنَّ الدِّينَ عِنْدَ اللَّهِ الْإِسْلَامُ﴾ {Tunay na ang relihiyon sa ganang kay Allāh ay ang Islām.}(Qur'ān 3:19)

Ang mga kasulatang makalangit na binanggit ni Allāh sa Aklat Niya ay ang sumusunod:

1. Ang Marangal na Qur'ān, na pinababa ni Allāh sa Propeta Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);

2. Ang Torah, na pinababa ni Allāh sa propeta Niyang si Moises (sumakanya ang pangangalaga);

3. Ang Ebanghelyo, na pinababa ni Allāh sa propeta Niyang si Jesus (sumakanya ang pangangalaga);

4. Ang Salmo, na pinababa ni Allāh sa propeta Niyang si Moises (sumakanya ang pangangalaga);

5. Ang Kalatas ni Abraham, na pinababa ni Allāh sa propeta Niyang si Abraham (sumakanya ang pangangalaga).

Ang Ikaapat na Haligi: Ang Pananampalataya sa mga Sugo
Nagsabi si Allāh:﴿ وَلَقَدْ بَعَثْنَا فِي كُلِّ أُمَّةٍ رَّسُولاً أَنِ اعْبُدُواْ اللّهَ وَاجْتَنِبُواْ الطَّاغُوتَ﴾ {Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: "Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa mapagmalabis."}(Qur'ān 16:36)

Sumasampalataya tayo na si Allāh ay nagpadala sa mga nilikha Niya ng mga sugo na nag-aanyaya sa kanila sa pagsamba sa Kanya – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya – at sa kawalang-pananampalataya sa anumang sinasamba bukod pa sa Kanya;

na lahat sila ay mga mortal na lalaki, na mga lingkod ni Allāh; na sila ay mga tapat na mga pinatotohanan, na mapangilag magkasala na mga mapagkakatiwalaan, na mga tagapatnubay na mga napatnubayan, na inalalayan ni Allāh ng mga tanda na nagpapatunay sa katapatan nila; na sila ay nagpaabot ng lahat ng ipinasugo sa kanila ni Allāh; at na sila sa kalahatan ay nasa malinaw na katotohanan at naglilinaw na patnubay.

Nagkasundo ang paanyaya nila mula sa kauna-unahan sa kanila hanggang sa kahuli-hulihan nila sa saligan ng relihiyon, ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa pagsamba at hindi pagtatambal sa Kanya.

Ang Ikalimang Haligi: Ang Pananampalataya sa Huling Araw
Nagsabi si Allāh:﴿ اللَّهُ لَا إِلَهَ إِلَّا هُوَ لَيَجْمَعَنَّكُمْ إِلَى يَوْمِ الْقِيَامَةِ لَا رَيْبَ فِيهِ وَمَنْ أَصْدَقُ مِنَ اللَّهِ حَدِيثًا﴾ {Si Allāh – walang Diyos kundi Siya – ay talagang magtitipon nga sa inyo sa Araw ng Pagbangon, walang pag-aalinlangan dito. Sino pa ang higit na tapat kaysa kay Allāh sa pakikipag-usap?}(Qur'ān 4:87)

Sumasampalataya tayo sa Huling Araw, ang Araw ng Pagbangon [ng mga patay], na wala nang araw matapos nito. Sumasampalataya tayo sa bawat anumang nauugnay rito mula sa ipinabatid ng Panginoon natin (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa Marangal na Aklat Niya o isinaysay sa atin ng Propeta nating si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) gaya ng pagpanaw ng tao, pagbuhay, pagkalap, pamamagitan, timbangan [ng mga gawa], pagtutuos, paraiso, impiyerno, at iba pa roon na nauugnay sa Huling Araw.

Ang Ikaanim na Haligi: Ang Pananampalataya sa Pagtatakda: sa Kabutihan Nito at Kasamaan Nito
Nagsabi si Allāh:﴿ إِنَّا كُلَّ شَيْءٍ خَلَقْنَاهُ بِقَدَرٍ﴾ {Tunay na Kami sa bawat bagay ay lumikha ayon sa isang takda.}(Qur'ān 54:49)

Sumasampalataya tayo sa pagtatakda: sa kabutihan nito at kasamaan Nito, na siyang pagtatakda ni Allāh para sa mga umiiral alinsunod sa nauna sa kaalaman Niya at hiniling ng karunungan Niya; na ang bawat nagaganap sa mga nilikha na mga pangyayari sa Mundong ito ay ayon sa kaalaman ni Allāh at pagtatakda Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) at pangangasiwa Niya – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya; na ang mga pagtatakdang ito ay nakasulat bago ng pagkalikha sa tao; na ang tao ay may pagnanais at kalooban; na siya ay tagagawa ng mga gawain niya ayon sa reyalidad subalit iyon sa kabuuan niyon ay hindi nakalalabas sa kaalaman ni Allāh, pagnanais Niya, at kalooban Niya.

Kaya ang pananampalataya sa pagtatakda ay nakasalalay sa apat na antas:

Una: Ang pananampalataya sa masaklaw na nakasasakop na kaalaman ni Allāh.

Ikalawa: Ang pananampalataya sa pagsulat ni Allāh sa bawat anumang nangyayari hanggang sa Araw ng Pagbangon.

Ikatlo: Ang pananampalataya sa nanunuot na kalooban ni Allāh at lubos na kakayahan Niya sapagkat ang anumang niloob Niya ay nangyayari at ang anumang hindi Niya niloob ay hindi nangyayari.

Ikaapat: Ang pananampalataya na si Allāh ay Tagalikha ng bawat bagay, na walang katambal sa Kanya sa paglikha Niya.