MGA ALITUNTUNIN NG UDHIYAH
3- عَنْ أَنَسٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، قَالَ: ضَحَّى النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ
وَسَلَّمَ بِكَبْشَيْنِ أَمْلَحَيْنِ أَقْرَنَيْنِ، ذَبَحَهُمَا بِيَدِهِ، وَسَمَّى وَكَبَّرَ، وَوَضَعَ
رِجْلَهُ عَلَى صِفَاحِهِمَا.
(صحيح البخاري، رقم الحديث 5565، وصحيح مسلم، رقم
الحديث 17 - (1966)،).
3- Si Anas (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah)
ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Nag-alay ang Sugo ng
Allah () ng dalawang tupa na purong puti ang mga
balahibo nito at may mga sungay, sa kamay niya
mismo kinatay ang mga ito, kanyang binigkas ang
Ngalan ng Allah at sumambit ng Takbir (Bismillaahi
Allahu Akbar), at dinaganan ng kanyang paa ang mga
tagiliran nito]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (5565)],
Muslim [Hadith bilang: 17-(1966)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Mga Piling Hadith
14
Siya si Abu Hamzah, Anas ibn Malik Al-Ansari,
tagapaglingkod ng Sugo ng Allah (), ipinanganak
siya sa Madinah bago ang paglikas mula sa Makkah
nang sampung taon, siya ay yumakap sa Islam sa
murang edad niya, at nanatili sa piling ng Propeta
(), siya ay nanilbihan sa kanya ng sampung taon at
namalagi sa kanya hanggang sa mamatay ang
Propeta (Sumakanya nawa ang pagpapala at
kapayapaan), at pagkatapos ay naglakbay siya
patungong Damascus at mula dito ay nagtungo
naman siya sa Basra. Siya ay nakapag-ulat ng
maraming Hadith at umabot ang kanyang ulat ng
(2286) Hadith at siya ay binawian ng buhay sa Basra
taong ika-(93) sa Hijri, matapos na humigit ng (100)
taong gulang ang kanyang edad.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Amlah: Ang ibig sabihin nito ay puro na puti,
datapuwa’t ang ilan sa mga Pantas ng dalubwika ay
nagsasabi na ito ay ang puti na nahaluan ng itim at
mayroon ding nagsasabi na taliwas dito.
2. Dapat sa tagakatay sa oras ng pagkatay ay magsabi
ng “Bismillah” at nakabubuti sa kanya na sumambit
Mga Piling Hadith
15
ng “Takbir” pagkatapos ng Bismillah, kaya magsasabi
siya ng tulad nito: “Bismillaahi Allaahu Akbar”.
3. Isinasakundisyon na ang iaalay na Udhiyah ay mula
sa kawan ng mga hayop; tulad ng kamelyo, baka at
tupa o kambing, at isinasakundisyon din sa Udhiyah:
Ang kawalan nito ng kapintasan, samakatuwid hindi
maaaring iaalay ang Udhiyah na lantad ang
pagkabulag, pagkamasasakitin, pagkapilay at
pagkapayat.