PAGSASAGAWA NG TASLIM SA SALAH

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 3

Idagdag sa mga paborito : 0

5- عَنْ سَعْدِ بْنِ أَبِيْ وَقَّاصٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: كُنْتُ أَرَى
رَسُوْلَ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يُسَلِّمُ عَنْ يَمِيْنِهِ وَعَنْ يَسَارِهِ، حَتَّى
أَرَى بَيَاضَ خَدِّهِ. (صحيح مسلم، رقم الحديث 199 - (582)، ).
5- Si Saad ibn Abi Waqqas (Sumakanya nawa ang
kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Lagi kong
nakikita ang Sugo ng Allah () na nagsasagawa ng Taslim
sa bahaging kanan niya at sa kaliwa niya hanggang sa
nakikita ko ang kaputian ng kanyang pisngi]. Muslim
[Hadith bilang: 199–(582)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Ishaq, Saad ibn Abi Waqqas Al-Zihri Al-Qurashi,
isang dakilang Sahabi, siya ay ipinanganak sa Makkah
taong ika-23 bago ang paglikas (Hijrah), dito siya lumaki at
namuhay, isa siya sa mga naunang yumakap sa Islam,
kaya napabilang siya sa mga tinaguriang mga naunang
nagsiyakap sa Islam, at isa rin siya sa sampung mga
binalitaan na makakapasok sa Paraiso, at kabilang din siya
sa lipon ng anim na pagsasanggunian na itinalaga ni Umar
ibn Al-Khattab, upang ang isa sa kanila ay maging
tagahalili niya para sa sambayanang Muslim pagkatapos
niya, pagkaraan ay lumikas siya sa Madinah, at nakibaka
sa pakikipaglaban sa Bad’r at sa iba pang mga labanan
pagkatapos nito.

Mga Piling Hadith
20
Siya ay isa sa mga anak ng tiyuhin ng nanay ng Propeta
(), kaya tinawag siya ng Propeta () na tiyo. Ibig sabihin
ay kabilang lamang sa kanyang mga tiyuhin, at hindi
kapatid mismo ng kanyang ina.
Siya ay isang mangangabayong mandirigma at ubod ng
tapang, isa sa mga piling pinuno ng Sugo ng Allah (), at
mayroon siyang malalaking naging papel sa panahon ni
Abu Bakr As-Siddiq, at gayundin sa panahon ni Umar ibn
Al-Khattab Al-Farooq, at siya rin ay nahalal bilang
gobernador sa Kufa sa kapanahunan ni Umar ibn Al-
Khattab at Uthman ibn Affan.
Si Saad ibn Abi Waqqas ang namuno sa sandatahang
hukbo ng mga Muslim sa labanan sa Persia at Iraq, at
dahil sa kabutihang loob ng Allah nakayanan niyang
talunin ang Persia ng napakalaking pagkatalo sa
Qadisiyah, at siya rin ang sumakop sa Mada-in, siya ay lagi
nang tinutugunan ng Allah sa panalangin, at mayroon din
siyang mga dakilang katangian at maraming kabutihan,
datapuwa’t kusa naming hindi binanggit ito upang
makaiwas sa mahabang pagsasalaysay. Pagkaraan ay
tinalikuran ni Saad ibn Abi Waqqas ang mga kaukulang
bagay sa paghahatol at pulitika, at lumayo siya sa
malaking kaguluhan na naganap sa pagitan ng mga
Sahabah, bagkus inutusan niya ang kanyang pamilya at
mga anak na huwag nila siyang balitaan sa mga

Mga Piling Hadith
21
nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng mga Sahabah. Siya
ay nakapag-ulat ng (270) na Hadith sa mga aklat ng
Sunnah.
Siya ay isang pandak, binawian siya ng buhay taong ika-55
sa Hijri sa Aqeeq sa kanyang palasyo ng may layong pitong
milya mula sa Madinah, at ang gobernador ng Madinah sa
panahon na yaon na si Marwan ibn Al-Hakam ang siyang
nakapagsagawa sa kanya ng Salaatul Janazah (dasal para
sa patay), at nailibing siya sa Baqi`, at siya ang
pinakahuling namatay sa mga Muhajireen (nagsilikas mula
sa Makkah patungong Madinah).
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito na kailangang lumingon ang
nagsasagawa ng Salah sa bawa’t pagsasagawa ng Taslim,
sa bahaging kanan niya at pagkatapos ay sa bahaging
kaliwa naman niya para sa pagtatapos ng Salah hanggang
sa makita ng nasa tabi niya ang kanyang pisngi.
2. Itinatagubilin sa nagsasagawa ng Salah sa pagtatapos
ng Salah na kanyang sabihin sa paglingon niya sa bahaging
kanan niya at sa kaliwa ang: “Assalamu alaykum wa
rahmatullaah” sapagka’t napatunayan: [Na ang Sugo ng
Allah () ay lumilingon sa bahaging kanan niya na
nagsasabing: “Assalamu alaykum wa rahmatullaah”,

Mga Piling Hadith
22
hanggang sa nakikita ang kaputian ng kanyang kanang
pisngi at gayundin sa bahaging kaliwa niya: “Assalamu
alaykum wa rahmatullaah” hanggang sa nakikita ang
kaputian ng kanyang kaliwang pisngi]. An-Nasai [Hadith
bilang: (1325)], Abu Daud [Hadith bilang: (996)], At-
Tirmidhi [Hadith bilang: (295)], Ibnu Maja [Hadith bilang:
(914)].
3. Ang Salam o Taslim sa pagtatapos ng Salah ay isa sa
mga saligan ng Salah, hindi ito matatanggap kung wala
ito, ganito ang sinabi ng karamihan sa mga pantas ng mga
Sahabah (Sumakanilang lahat nawa ang kaluguran ng
Allah), samakatuwid ang Taslim ay isang matatag na haligi
ng Salah, at ito ay lagi nang ginagawa ng Propeta,
datapuwa’t mayroon sa mga eskolar (Sumakanila nawa
ang habag ng Allah) ang nagsasabi: Na ang Salam o Taslim
sa pagtatapos ng Salah ay kabilang sa mga Sunnah ng
Salah.