PARAAN NG PAGSASAGAWA SA WUDU’

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 1

Idagdag sa mga paborito : 0

15- عَنْ حُمْرَانَ رَحِمَهُ الله، مَوْلَى عُثمَانَ بْنِ عَفَّانَ أَنَّهُ رَأَى
عُثمَانَ بْنَ عَفَّانَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ دَعَا بِوَضُوْءٍ؛ فَأَفْرَغَ عَلَى يَدَيْهِ مِنْ

Mga Piling Hadith
45
إِنَائِهِ؛ فَغَسَلَهُمَا ثَلاَثَ مَرَّاتٍ، ثُمَّ أَدْخَلَ يَمِيْنَهُ فِي الْوَضُوْءِ، ثُمَّ
تَمَضْمَضَ وَاسْتَنْشَقَ وَاسْتَنْثَرَ، ثُمَّ غَسَلَ وَجْهَهُ ثَلاَثًا، وَيَدَيْهِ إِلَى
المِرْفَقَيْنِ ثَلاَثًا، ثُمَّ مَسَحَ بِرَأْسِهِ، ثُمَّ غَسَلَ كُلَّ رِجْلٍ ثَلاَثًا، ثُمَّ قَالَ:
رَأَيْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَتَوَضَّأُ نَحْوَ وُضُوْئِيْ هَذَا، وَقَالَ:
"مَنْ تَوَضَّأَ نَحْوَ وُضُوْئِيْ هَذَا، ثُمَّ صَلَّى رَكْعَتَيْنِ لاَ يُحَدِّثُ فِيْهِمَا
نَفْسَهُ، غَفَرَ اللَّهُ لَهُ مَا تَقَدَّمَ مِنْ ذَنْبِهِ". (صحيح البخاري، رقم
الحديث 164، واللفظ له، وصحيح مسلم، رقم الحديث 3 -
(226)،).
15- Si Humran (Sumakanya nawa ang habag ng Allah),
isang tagapaglingkod ni Uthman ibn Affan ay nag-
ulat: [Na kanyang nakita diumano si Uthman ibn
Affan (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) na
humingi ng isang sisidlan na may tubig, at pagkatapos
ay binuhusan niya ang dalawa niyang mga kamay
mula sa kanyang sisidlan, at hinugasan niya ang mga
ito ng tatlong beses, pagkatapos ay ipinasok niya ang
kanang kamay niya sa sisidlan, at nagmugmog siya,
pagkatapos ay sumingot siya ng tubig at isininga,
pagkatapos ay hinugasan niya ang kanyang mukha ng
tatlong beses, pagkatapos ay ang dalawa niyang mga
kamay hanggang siko ng tatlong beses, pagkatapos ay
pinunasan niya ang kanyang ulo, at pagkatapos ay
hinugasan niya ang magkabilang paa niya ng tatlong

Mga Piling Hadith
46
beses sa bawat isa; at pagkatapos ay kanyang sinabi:
Nakita ko ang Propeta () na isinasagawa ang Wudu
ng tulad ng pagsasagawa ko sa Wudu’ na ito, at siya
(ang Propeta) ay nagsabi: “Ang sinumang nagsagawa
ng Wudu ng tulad ng pagsasagawa kong ito, at
nagsagawa ng Salah na binubuo ng dalawang Rak`ah
nang hindi kinakausap ang kanyang sarili, sa kanya ay
patatawarin ng Allah ang mga nauna niyang
kasalanan”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (164)], Muslim
[Hadith bilang: 3-(226)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Humran ibn Aban Al-Farisi, isang
napakadalubhasa sa batas, at isa rin sa mararangal na
pantas sa Madinah, at siya ay tagapaglingkod ng
Ameerul Mu’mineen (Pinuno ng mga Muslim), na si
Uthman ibn Affan, at siya (Sumakanya nawa ang
kaluguran ng Allah) ang nagpalaya sa kanya sa
pagiging alipin, si Humran (Sumakanya nawa ang
habag ng Allah) ay binawian ng buhay taong ika-75 sa
Hijri, datapuwa’t may nakapagsabing kasalungat nito.
Tungkol naman sa Ameerul Mu’mineen, na si Uthman
ibn Affan (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah),
siya ay nabanggit na sa Hadith na ika-12.

Mga Piling Hadith
47
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturing ang Hadith na ito na isa sa mga dakilang
saligan ng Islam sa pamamaraan ng pagsasagawa ng
Wudu’, kaya nararapat sa bawa’t Muslim na pag-
aaralan ang ganitong pamamaraan ng Wudu’ at
kanyang pangalagaan ito. Datapuwa’t bilang
karagdagang kaalaman, ang pagpunas sa ulo ay iisang
beses lamang at kasama na rito ang dalawang tainga
dahil bahagi ito ng ulo.
2. Ang Wudu’ at ang Salah ay kabilang sa mga
kadahilanan ng pagkamit ng kapatawaran at
pagpasok sa Paraiso, kaya mainam para sa
nagsasagawa ng Wudu’ ang magsagawa kaagad ng
Salah na dalawang Rak`ah pagkatapos ng Wudu’.
3. Nakabubuti para sa isang Muslim pagkatapos
niyang magsagawa ng Wudu’ ang magsabi ng: “Ash-
hadu allaa ilaaha illallah, wa anna Muhammadan
abdullaahi wa rasooluh” batay sa sinabi ng Propeta
(): “Walang isa man sa inyo ang nagsagawa ng
Wudu’, na nilubos-lubos ito o pinahusay ang
pagsasagawa nito, at pagkatapos ay kanyang

Mga Piling Hadith
48
sasabihin: “Ash-hadu allaa ilaaha illallah, wa anna
Muhammadan abdullaahi wa rasooluh” kundi para sa
kanya ay bubuksan ang walong mga pintuan ng
Paraiso, siya ay papasok dito alin man sa naisin niya
rito”]. Muslim [Hadith bilang: 17-(234)].