PANGANGALAGA SA MGA KARAPATAN
21- عَنْ مَعْقِلَ بْنَ يَسَارٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: سَمِعْتُ النَّبِيَّ صَلَّى
اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُوْلُ: "مَا مِنْ عَبْدٍ اسْتَرْعَاهُ اللَّهُ رَعِيَّةً؛ فَلَمْ يَحُطْهَا
بِنَصِيحَةٍ إِلاَّ لَمْ يَجِدْ رَائِحَةَ الْجَنَّةِ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث7150، واللفظ له، وصحيح
مسلم، رقم الحديث 227 - (142)،).
21- Si Ma`qil ibn Yasar (Sumakanya nawa ang
kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi:
[Narinig ko sa Propeta () na siya ay nagsasabi:
“Walang isang alipin na pinagkatiwalaan ng Allah ng
isang katungkulan, datapuwa’t hindi niya ito
inalagaan sa pamamagitan ng pagpapayo kundi sa
kanya’y hindi niya matatagpuan ang alimuyak ng
Paraiso”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (7150)], Muslim
[Hadith bilang: 227-(142)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Mi`qal ibn Yasar Al-Muzni Al-Basari
(Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah), isa sa mga
delegasyon na dumating sa Propeta () mula sa
bansang Sham, siya ay yumakap sa Islam bago ang
Mga Piling Hadith
61
pakikipag-areglo sa Al-Hudaibiyah, at isa rin siya sa
mga ipinagkasundo ng Propeta () na mangakong
susuporta sa kanya sa lilim ng isang punongkahoy,
siya yaong nagtataas ng mga sanga ng punongkahoy
mula sa mukha ng Propeta () habang
nakikipagkasundo sa mga tao na mangakong
sumupurta sa kanya sa lilim nito, sa katunayan siya ay
nakapag-ulat ng (34) na Hadith sa mga aklat ng
Sunnah.
At pagkatapos ng pagkamatay ng Sugo ng Allah (), si
Mi`qal ibn Yasar ay nakibaka sa pakikipaglaban sa
mga labanan ng mga nagsibaklas sa panahon ng
pamumuno ni Abu Bakr As-Siddiq (Sumakanya nawa
ang kaluguran ng Allah), at mayroon din siyang
malaking bahagi sa pagsakop sa bansang Persia.
Sa katunayan, siya ay tinangkilik ni Umar ibn Al-
Khattab (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah)
bilang gobernador ng Basra, at siya ay humukay dito
ng isang ilog ayon sa pag-uutos ni Umar, siya ay
nanirahan sa Basra at nagpatayo rito ng isang
tahanan, at siya ay nanatili dito hanggang sa
binawian siya ng buhay taong ika-65 sa Hijri, subali’t
Mga Piling Hadith
62
may nagsasabi na sa taong ika-60 at mayroon ding
nagsasabi na taliwas dito.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Nasasaad sa Hadith na ito ang isang matinding
babala tungkol sa pandadaya at pagtataksil ng mga
may katungkulan sa mga karapatan ng mga tao,
maging ang mga may katungkulan na ito ay
namamahala sa mga kapakanan ng estado o sa mga
katiwali nito, o di kaya ay sa mga institusyon o
organisasyon o sa mga kapakanan ng pamilya o
indibidwal, ang kataksilan na ito ang siyang
magkakait sa taksil na pinagkatiwalaang iyon sa
pagpasok sa Paraiso, at magsasadlak sa kanya upang
maging karapat-dapat siya sa masakit na
kaparusahan sa apoy ng Impiyerno.
2. Ang Hadith na ito ay kabilang sa mga Hadith na
pananakot, at ang mga Hadith na pananakot ay
napapaloob sa mga Hadith na pangako, na kung saan
ang pananakot ay maaring maipatupad at maaari rin
namang hindi maipatupad, sapagka’t katotohanang
ang Allah ay nagtakda ng mga kadahilanan na
Mga Piling Hadith
63
pumipigil sa mga ito, at ang ilan sa mga ito ay ang
pamamagitan, ang mga kabutihang nagbubura ng
kasalanan at ang pagpapatawad ng Allah sa sinumang
hindi nakapagtambal sa Kanya ng anupaman batay sa
Kanyang pagpapasiya.
3. Ang Islam ay relihiyong nag-uutos na ibalik ang
mga ipinagkatiwalang bagay sa may ari nito, at
relihiyon din ng pag-iingat sa mga karapatan ng
indibidwal, grupo at komunidad.