PAGLAGAY NG KAMAY SA BAYWANG HABANG NAGSASAGAWA NG SALAH
23- عَنْ أَبِيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: "نَهَى النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ
عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَنْ يُصَلِّيَ الرَّجُلُ مُخْتَصِرًا".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 1220، واللفظ له، وصحيح
مسلم، رقم الحديث 46 - (545)،).
Mga Piling Hadith
68
23- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng
Allah) ay nag-ulat, siya ay nagsabi: [Ipinagbawal ng
Propeta () ang paglalagay ng kamay ng isang lalaki sa
kanyang baywang habang nagsasagawa ng Salah]. Al-
Bukhari [Hadith bilang: (1220)], Muslim [Hadith bilang:
46-(545)].
Ang nag-ulat ay nabanggit na sa unang Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. May nagsasabing ang paglalagay ng kamay sa baywang
ay hindi natatanging kabawalan lamang sa sandali ng
pagdarasal, bagkus sa lahat ng pagkakataon.
2. Nararapat sa isang Muslim na kapag nais niyang
magsagawa ng Salah ay nasa maayos at maganda siyang
kalagayan.
3. Tuwirang itinuturo ng Hadith na ito na ang paglalagay
ng kamay sa baywang sa pagdarasal ay hindi
ipinapahintulot.