MGA ARAW NG EID AL-ADHA
- عَنْ عُقْبَةَ بْنِ عَامِرٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى اللَّه عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "يَوْمُ عَرَفَةَ، وَيَوْمُ النَّحْرِ، وَأَيَّامُ التَّشْرِيْقِ، عِيْدُنَا أَهْلَ الإِسْلاَمِ، وَهِيَ أَيَّامُ أَكْلٍ وَشُرْبٍ".
(سنن أبي داود، رقم الحديث 2419، وجامع الترمذي، رقم الحديث 773، واللفظ لهما، وسنن النسائي، رقم الحديث 3004، وقال الإمام الترمذي عن هذا الحديث بأنه: حسن صحيح، وصححه الألباني).
31- Si Uqbah ibn Amir (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang araw ng Arafah, ang araw ng An-Nah'r at ang mga araw ng Tashriq (ika: 11-12-13 sa buwan ng Dhul Hijjah) ay piyesta nating mga tagasunod ng Islam, kaya ang mga ito ay araw ng pagkain at pag-inom”]. Abu Daud [Hadith bilang: (2419)], At-Tirmidhi [Hadith bilang: (773)], An-Nasai [Hadith bilang: (3004)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Uqbah ibn `Amir ibn Abas Al-Juhani, isang dakilang Sahabi (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah), siya ay isang mahusay na mambabasa, dalubhasa sa batas, maalam sa larangan ng paghahati-hati ng mana, isang makata, magaling magtalumpati at isang pinuno mula sa lipon ng mga pinunong mananakop para sa Islam.
Si Uqbah ay isa sa mga taong may pinakamagandang boses sa pagbasa ng Qur'an, kaya’t nahuhumaling ang mga puso ng mararangal na mga Sahabah sa kanyang magandang pagbasa, at nababalot ito ng takot at pagpapakumbaba, bagkus ang kanilang mga mata ay umaapaw ng luha dahilan sa taimtim na takot sa Allah, at sa katotohanan, kanyang nasaksihan ang labanan sa Uhod kasama ng Sugo ng Allah () at ang iba pang digmaan pagkatapos nito.
Siya ay isa sa mga namumuno ng sandatahang hukbo ng mga Muslim na sumakop sa Ehipto, kaya siya ay pinarangalan at itinalaga ng Pinuno ng mga Muslim na si Muawiyah ibn Abu Sufyan bilang tagapamahala nito sa loob ng tatlong taon at pagkatapos ay ipinadala siya upang digmain ang isla ng Rhodes sa karagatan ng Mediterranean.
Umabot ang kanyang naiulat ng (55) Hadith, at siya ay binawian ng buhay taong ika-58 sa Hijri, at siya ay nailibing sa Cairo.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito na ang araw ng Arafah at ang tatlong araw ng Tashriq (11-12-13) pagkatapos ng araw ng An-Nah'r (10) ay siyang mga araw ng Eid sa Islam, datapuwa’t ang pagkatay sa Hady at Udhiyah ay magsisimula sa araw ng An-Nah'r, sa ika-10 araw ng Dhul Hijjah hanggang sa katapusan ng tatlong araw ng Tashriq.
2. Ang pagdiriwang sa Eid Al-Adha ay limang araw: Ito ay ang ikasampung araw ng Dhul Hijjah, ang araw ng Arafah na nasa unahan nito at ang tatlong araw ng Tashriq (11-12-13) na kasunod nito, samakatuwid ang lahat ng limang araw na ito ay araw ng pagkain at pag-inom, gayunpaman maari ring mag-ayuno ang nagsasagawa ng Hajj na Qiran o ng Tamattu’ sa mga araw ng Tashriq kapag wala silang maiaalay na Hady, at gayundin na itinatagubilin ang pag-aayuno sa araw ng `Arafah sa hindi nagsasagawa ng Hajj dahil sa angking kadakilaan nito.
3. Ang Eid sa Islam ay panahon ng pagpapakita ng mga Muslim ng kanilang lubos na pasasalamat sa Allah na nagkaloob sa kanila ng patnubay at gabay upang matiwasay nilang maipatupad ang naturang pagsamba.
4. Ang pinakamainam na araw sa loob ng isang taon ay ang araw ng An-Nah'r (ika-10 ng DHul Hijjah), kung kaya’t ito ang pinakadakila, pinakamalaki at pinakamabuti kaysa sa Eid Al-Fit’r.