SODOMYA KARUMAL-DUMAL NA GAWAIN
42- عَنْ أَبِيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: "لاَ يَنْظُرُ اللَّهُ إِلَى رَجُلٍ جَامَعَ امْرَأَتَهُ فِي دُبُرِهَا".
(سنن ابن ماجه، رقم الحديث 1923، وصححه الألباني).
42- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Ang Propeta () ay nagsabi: “Hindi ibinabaling ng Allah ang Kanyang paningin sa isang lalaking nakipagtalik sa kanyang asawa sa maselang bahagi ng katawan nito sa likuran”]. Ibn Majah [Hadith bilang: (1923)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Tunay na ang Islam ay ipinagbabawal ang pakikipagtalik sa maselang bahagi ng katawan sa likuran, sapagka't ang gawaing ito ay sumasalungat sa kalikasan ng pagkakalikha ng Allah sa mga tao, at hindi lamang iyon kundi ito ay nagdudulot din ng mga karamdaman, bagkus bago pa man ang lahat ng ito, kabilang din ito sa mga kadahilanan ng pagkapoot, pagngingitngit, pagkagalit at pagiging karapat-dapat ng sumpa ng Allah.
2. Itinatakdang kahatulan ng Hadith na ito, na ang sinumang nakipagtalik sa kanyang asawa sa maselang bahagi ng katawan nito sa likuran ay tunay na nakagawa ng napakalaking kasalanan, bagkus inilaan ang sarili nito sa poot ng Allah, kaya ang nararapat sa kanya ay magbalik-loob sa Allah ng may pagsisisi mula sa kasalanang ito.
3- Ipinapahintulot sa isang Muslim na makipagtalik sa kanyang asawa sa maselang bahagi ng katawan nito sa harapan, maging paharap man o patalikod, sapagka’t ang maselang bahagi ng katawan sa likuran ay hindi nakalaan para sa pagtatalik, samakatuwid ang pagtatalik sa maselang bahagi ng katawan sa harapan (ang pinagluluwaan ng sanggol), ay pinahihintulutan, maging paharap o patalikod.