Ang kinakailangan sa bawat Muslim na matutuhan

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 2

Idagdag sa mga paborito : 0

Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Alamin mo, kaawaan ka ni Allāh, na kinakailangan sa atin ang matutunan ang apat na usapin:
Ang Una ay ang kaalaman. Ito ay ang pagkakaalam kay Allāh, ang pagkakaalam sa Propeta Niya, at ang pagkakaalam sa relihiyon ng Islām ayon sa mga patunay.
Ang Ikalawa ay ang paggawa ayon dito.
Ang Ikatlo ay ang pag-aanyaya tungo rito.
Ang ikaapat ay ang pagtitiis sa pananakit dahil dito. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{وَٱلْعَصْرِ ١ إِنَّ ٱلْإِنسَـٰنَ لَفِى خُسْرٍ ٢ إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ وَتَوَاصَوْا۟ بِٱلْحَقِّ وَتَوَاصَوْا۟ بِٱلصَّبْرِ ٣}
 {Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain. 1. Sumpa man sa panahon, 2. tunay na ang tao ay talagang nasa isang pagkalugi, 3. maliban sa mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nagtagubilinan ng katotohanan, at nagtagubilinan ng pagtitiis.}
Nagsabi si Ash-Shāfi`īy – kaawaan siya ni Allāh (napakataas Siya): "Kung sakaling hindi nagpababa si Allāh ng isang katwiran sa nilikha Niya maliban sa kabanatang ito, talaga sanang nakasapat ito sa kanila."
Nagsabi si Imām Al-Bukhārīy – kaawaan siya ni Allāh (napakataas Siya) – sa Bahagi 1, Pahina 45:
"Kabanata: Ang Kaalaman Bago ng Pagsabi at Paggawa." Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): 
}فَٱعْلَمْ أَنَّهُۥ لَآ إِلَـٰهَ إِلَّا ٱللَّهُ وَٱسْتَغْفِرْ لِذَنۢبِكَ وَلِلْمُؤْمِنِينَ وَٱلْمُؤْمِنَـٰتِ ۗ وَٱللَّهُ يَعْلَمُ مُتَقَلَّبَكُمْ وَمَثْوَىٰكُمْ ١٩{
{Kaya alamin mo na walang Diyos kundi si Allāh at humingi ka ng tawad para sa pagkakasala mo} Nagsimula siya sa kaalaman bago ng pagsasalita at paggawa.
Alamin mo – kaawaan ka ni Allāh – na kinakailangan sa bawat lalaking Muslim at babaing Muslim ang matutunan ang tatlong usaping ito at ang pagsagawa sa mga ito:
Una: Na lumikha sa atin si Allāh, tumustos Siya sa atin, at hindi Siya nag-iwan sa atin nang napababayaan, bagkus nagsugo Siya sa atin ng isang Sugo. Kaya ang sinumang tumalima sa kanya ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa kanya ay papasok sa Apoy. 
}إِنَّآ أَرْسَلْنَآ إِلَيْكُمْ رَسُولًۭا شَـٰهِدًا عَلَيْكُمْ كَمَآ أَرْسَلْنَآ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ رَسُولًۭا ١٥ فَعَصَىٰ فِرْعَوْنُ ٱلرَّسُولَ فَأَخَذْنَـٰهُ أَخْذًۭا وَبِيلًۭا ١٦{
{15. Tunay na Kami ay nagsugo sa inyo ng isang Sugo na tagasaksi sa inyo kung paanong nagsugo Kami kay Paraon ng isang sugo. 16. Ngunit sumuway si Paraon sa sugo kaya dumaklot Kami sa kanya sa isang pagdaklot na masaklap.}(Qur'an 73:15-16)
Ikalawa: Na si Allāh ay hindi nalulugod na may itambal kasama sa Kanya sa pagsamba na isa man ni isang pinalapit na anghel ni isang isinugong propeta. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): 
}وَأَنَّ ٱلْمَسَـٰجِدَ لِلَّهِ فَلَا تَدْعُوا۟ مَعَ ٱللَّهِ أَحَدًۭا ١٨{
{Na ang mga masjid ay ukol kay Allāh, kaya huwag kayong manalangin kasama kay Allāh sa isa man.}(Qur'ān 72:18)
Ikatlo: Na ang sinumang tumalima sa Sugo at naniwala sa kaisahan ni Allāh ay hindi pinapayagan para sa kanya ang pakikipagtangkilikan sa sinumang sumalungat kay Allāh at sa Sugo Niya, kahit pa man ito ay isang pinakamalapit na kamag-anak. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{لَّا تَجِدُ قَوْمًۭا يُؤْمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلْيَوْمِ ٱلْـَٔاخِرِ يُوَآدُّونَ مَنْ حَآدَّ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَلَوْ كَانُوٓا۟ ءَابَآءَهُمْ أَوْ أَبْنَآءَهُمْ أَوْ إِخْوَٰنَهُمْ أَوْ عَشِيرَتَهُمْ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ كَتَبَ فِى قُلُوبِهِمُ ٱلْإِيمَـٰنَ وَأَيَّدَهُم بِرُوحٍۢ مِّنْهُ ۖ وَيُدْخِلُهُمْ جَنَّـٰتٍۢ تَجْرِى مِن تَحْتِهَا ٱلْأَنْهَـٰرُ خَـٰلِدِينَ فِيهَا ۚ رَضِىَ ٱللَّهُ عَنْهُمْ وَرَضُوا۟ عَنْهُ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ حِزْبُ ٱللَّهِ ۚ أَلَآ إِنَّ حِزْبَ ٱللَّهِ هُمُ ٱلْمُفْلِحُونَ ٢٢}
 {Hindi ka makatatagpo ng mga taong sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw na nakikipagmahalan sa sinumang sumalansang kay Allāh at sa Sugo Niya, kahit pa man ang mga ito ay mga magulang nila o mga anak nila o mga kapatid nila o angkan nila. Ang mga iyon ay sinulatan Niya sa mga puso nila ng pananampalataya at inalalayan Niya sa pamamagitan ng isang espiritu mula sa Kanya. Magpapapasok Siya sa kanila sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Ang mga iyon ay ang lapian ni Allāh. Pansinin, tunay na ang lapian ni Allāh ay ang mga matagumpay.}(Qur'ān 58:22)