Ang Ikalawang Antas ay Īmān (Pananampalataya).

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 5

Idagdag sa mga paborito : 0

Ito ay may mahigit sa pitumpung sangay. Ang pinakamataas sa mga ito ay ang pagsabi na walang Diyos kundi si Allāh at ang pinakamababa sa mga ito ay ang pag-aalis ng nakasasakit palayo sa daan. Ang [pagkakaroon ng] hiya ay isang sangay ng Īmān.
Ang mga haligi nito ay: na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa mga sugo Niya, sa Huling Araw, at sa pagtatakda: sa kasamaan nito at kabutihan nito.
Ang patunay sa anim na haliging ito ay ang sabi Niya (napakataas Siya): 
{لَّيْسَ ٱلْبِرَّ أَن تُوَلُّوا۟ وُجُوهَكُمْ قِبَلَ ٱلْمَشْرِقِ وَٱلْمَغْرِبِ وَلَـٰكِنَّ ٱلْبِرَّ مَنْ ءَامَنَ بِٱللَّهِ وَٱلْيَوْمِٱلْـَٔاخِرِ وَٱلْمَلَـٰٓئِكَةِ وَٱلْكِتَـٰبِ وَٱلنَّبِيِّـۧنَ وَءَاتَى ٱلْمَالَ عَلَىٰ حُبِّهِۦ ذَوِى ٱلْقُرْبَىٰ وَٱلْيَتَـٰمَىٰ وَٱلْمَسَـٰكِينَ وَٱبْنَٱلسَّبِيلِ وَٱلسَّآئِلِينَ وَفِى ٱلرِّقَابِ وَأَقَامَ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَى ٱلزَّكَوٰةَ وَٱلْمُوفُونَ بِعَهْدِهِمْ إِذَا عَـٰهَدُوا۟ ۖ وَٱلصَّـٰبِرِينَ فِى ٱلْبَأْسَآءِ وَٱلضَّرَّآءِ وَحِينَ ٱلْبَأْسِ ۗ أُو۟لَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ صَدَقُوا۟ ۖ وَأُو۟لَـٰٓئِكَ هُمُ ٱلْمُتَّقُونَ}١٧٧
{Ang *pagsasamabuting-loob ay hindi na magbaling kaya ng mga mukha ninyo sa harap ng silangan at kanluran, subalit ang *pagsasamabuting-loob ay ang sinumang sumampalataya kay Allāh, sa Huling Araw, sa mga anghel, sa mga kasulatan, at sa mga propeta;}(Qur'ān 2:177)
Ang patunay sa pagtatakda ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{إِنَّا كُلَّ شَىْءٍ خَلَقْنَـٰهُ بِقَدَرٍۢ ٤٩}
 {Tunay na Kami sa bawat bagay ay lumikha ayon sa isang takda.}(Qur'ān 54:49)