PAGBAYAD SA DASAL NA WIT'R

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 5

Idagdag sa mga paborito : 0


50- Si Abu Saed Al-Khudri (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang sinumang nakatulog at hindi nakapagdasal ng Wit'r o di kaya’y nakalimutan niya; sa gayon ay isagawa niya ito sa oras na naalala niya ito, o kapag nagising na siya”]. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (465)], Abu Daud [Hadith bilang: (1431)], Ibnu Majah [Hadith bilang: (1188)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-43 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Isinasabatas ng panglabas na kahulugan ng Hadith na ito na ang sinumang nakaligta ng dasal sa Wit'r dahilan sa pagkatulog o pagkalimot ay kanya itong palitan sa oras ng pagkagising niya o kapag naalala niya ito sa kahit anong oras, maging sa gabi o sa araw batay sa sinabi ng Propeta (): “Ang sinumang nakalimot ng isang Salah o hindi nakapagsagawa nito dahilan sa pagkatulog; sa gayon ang kabayaran nito bilang kapalit ay isagawa niya ito sa oras na naalala niya ito”. Muslim [Hadith bilang: 315-(684)].
2.  May mga iskolar ang nagsasabi na: Ang sinumang nakatulog at hindi nakapagsagawa ng dasal sa Wit'r, dahil nanaig sa kanya ang pagtulog; sa gayon ay maaari niyang palitan ang dasal sa Wit’r sa oras na kapag ganap nang sumikat ang araw, datapuwa’t dadagdagan niya ito ng isa pang Rak'ah. Batay sa isang Hadith na naiulat ni Aishah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah): [At nakaugalian na ng Propeta ng Allah () na kapag siya ay nakapagsagawa ng isang Salah ay naiibigan niyang panatilihin ito, datapuwa’t kapag nanaig sa kanya ang pagtulog o kirot, at hindi siya nakapagsagawa ng dasal sa gabi; siya ay nagsasagawa ng Salah sa umaga ng labindalawang Rak'ah]. Muslim [Hadith bilang: 139-(746)].
3. Malayang pumili ang isang Muslim kung alin ang ibig niya sa dalawang opinyon na aking naunang nabanggit patungkol sa partikular na usaping ito, datapuwa’t ang unang opinyon ang siyang pinakatumpak. Ang Allah ang higit na nakakaalam.