PAGTATANGGOL SA SARILI

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 64

Idagdag sa mga paborito : 0

61- Si Saed ibn Zaid (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang Propeta () ay nagsabi: “Ang sinumang napatay dahil sa kanyang kayamanan, samakatuwid siya ay isang martir, bagkus ang sinumang napatay dahil sa pagtatanggol sa pamilya niya o sa pagdanak ng kanyang dugo, o dahilan sa kanyang relihiyon; sa gayon siya ay isang martir”]. Abu Daud [Hadith bilang: (4772)], At-Tirmidhi [Hadith bilang: (1421)], An-Nasai [Hadith bilang: (4095)], Ibnu Majah [Hadith bilang: (2580)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abul A’war, Saed ibn Zaid Al-Adawi Al-Qurashi, isa sa mga marangal at mabuting Sahabi, siya ay ipinanganak sa Makkah taong ika-22 bago ang paglikas patungo sa Madina, at di nagtagal ay lumikas siya patungong Madinah, at lahat ng digmaan ay kanyang nasaksihan maliban sa labanan sa Bad’r dahil siya ang kinatawang nagtitiktik sa mga kaganapan patungkol sa isang karawan (o caravan) na bumabaybay patungong Sirya (o Syria), at isa siya sa lipon ng sampung binalitaan ng magandang balita na makakapasok ng Paraiso, at siya ay isa rin sa mga naunang yumakap sa Islam kasama ang kanyang asawa na si Ummu Jamil, Fatimah bint Al-Khattab.
Si Saed ay lumikas sa Madinah at nasaksihan niya ang labanan sa Uhod at iba pang mga labanan pagkatapos nito, siya ay wala noon sa Madinah sa panahon ng labanan sa Bad’r kung kaya’t hindi niya ito nasaksihan, gayunpaman naipukol pa rin ng Sugo ng Allah () ang kanyang palaso sa araw ng labanan sa Bad’r na kung saan ay naroon siya sa Sirya, dahil sa isang misyon na kung saan ay ipinadala siya ng Propeta () para maniktik sa mga kaganapan tungkol sa karawan ng Quraish na bumabaybay patungong Sirya, at siya ay naitala sa mga aklat ng Sunnah na nakapag-ulat ng (48) na Hadith.
Siya (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay binawian ng buhay sa Aqeeq taong ika-51 sa Hijri, datapuwa’t may nakapagsabi na sa ika-52 sa Hijri, at siya ay dinala patungong Madinah na buhat lamang ng mga kalalakihan sa kanilang mga balikat.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
Nararapat sa isang Muslim na ipagtanggol ang kanyang sarili at pamilya, gayundin ang kanyang malalapit na kamag-anak gaya ng kanyang ina, anak na babae, kapatid na babae at ang kanyang asawa, o ang kanyang kayamanan sa lahat ng mang-aabuso rito, datapuwa’t marapat na ipagtanggol ang mga ito sa pinakamadaling paraan, nguni’t kung hindi kayang pigilin ang nang-aabuso maliban na lamang sa pamamagitan ng pagpatay, sa gayon ay maaaring patayin siya ng inaabuso niya, at hindi ito mapapatawan ng kamatayan o ng blood maney, ni ng anumang katumbas na kabayaran, sapagka’t siya ay pinahintulutan ng batas ng Islam sa pagpatay nito, samantalang ang napatay na nang-aabuso ay mahaharap sa matinding kaparusahan sa Impiyerno, at ang inabuso naman kung sakaling siya ay napatay, samakatuwid siya ay isang martir sa kapahintulutan ng Allah.
Ipinapahiwatig ng Hadith na ito na ang isang taong Muslim ay kagalang-galang sa kanyang pagkatao, pananampalataya, kayamanan at sa kanyang pamilya; kaya kapag inabuso ang alinman sa mga iyon, ipinahintulot sa kanya na ipagtanggol ito, at kung sakaling siya ay napatay dahilan dito, magkagayon siya ay isang martir.
Ang kahulugan ng Hadith na ito ay ang sinumang napatay sa pagtatanggol sa kanyang kayamanan, o sa kanyang pamilya at malapit na kamag-anak, o sa kanyang sarili, o napatay sa pagsuporta sa relihiyon ng Allah at sa pagtatanggol dito, siya ay isang martir at sasakanya ang kahatulang nakaugnay sa mga martir patungkol sa gantimpala sa Huling Araw.