PANUNUMPA SA IBA BUKOD SA ALLAH
76- Si Abdul Rahman ibn Samurah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Huwag kayong manumpa sa mga diyus-diyusan, at maging sa inyong mga ninuno”]. Muslim [Hadith bilang: 6-(1648)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Saed, Abdul Rahman ibn Samurah Al-Qurashi, isa siya sa lipon ng mga Sahabah, isa rin siyang pinuno at kilalang gobernador, siya ay yumakap sa Islam sa araw ng kabi-kabilaang pagsakop, at ito ay ang pagsakop sa Sajestan, Kabul at iba pang lugar, at siya ay hinirang bilang gobernador ng Sajestan, pagkaraan ay nilusob niya ang Khorasan kaya’t naging malawakan ang nagawa niyang pananakop, at pagkatapos ay bumalik siya sa Basra, bagkus siya ay nagkaroon din ng mga kilalang paglahok sa labanan sa Mu'ta, at siya ay naitala sa mga aklat ng Sunnah na nakapag-ulat ng (14) na Hadith.
At pagkatapos ay nanirahan si Abdul Rahman sa Busra, at dito na siya binawian ng buhay taong ika-50 sa Hijri, datapuwa’t may nakapagsabing taong ika-51 sa Hijri.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Isinasabatas ng Hadith na ito ang kabawalan ng panunumpa sa anumang bagay mula sa lipon ng mga nilalang. At patungkol naman sa nasasaad sa aklat ni Muslim na ang Propeta () ay nagsabi ukol sa karapatan ng isang nagtanong sa kanya tungkol sa mga batas ng Islam: “Nakamit niya ang tagumpay – sumpa man sa kanyang ama – kung siya ay nagsasabi ng katotohanan”. Muslim [Hadith bilang: 9-(11)].
Kaya ang sagot dito: Ito ay nangyari bago pa man ipagbawal ang panunumpa sa iba bukod sa Allah, at pagkatapos nito ay dumating ang pagbabawal mula sa Allah, kaya tuluyan nang tinalikuran ito, at ang panunumpa sa Allah ay naibaling na lamang sa Allah, sa Kanyang mga Pangalan at Katangian, ng walang pagtatambal sa Kanya na anupaman, datapuwa’t may nagsabi na taliwas dito sa pagpapaliwanag ng Hadith na ito, subali’t kusa naming iniwan ito para makaiwas sa mahabang pagsasalaysay.
2. Ang Tawagi ay isang pomula na tumutukoy sa pangmaramihan at ang pang-isahan nito ay Tagiyah, samakatuwid ang ibig sabihin dito ng Tawagi ay ang mga rebulto at ang mga huwad na sinasamba, at maaari rin namang ang kahulugan ng Tawagi ay yaong nagmalabis sa pagtalikod sa pananampalataya at humigit sa hangganan ng kasamaan.