KABUTIHAN NG PANALANGIN HABANG NAKAPATIRAPA
83- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Katotohanang ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang pinakamalapit na kalagayan ng isang lingkod sa kanyang Panginoon ay nasa kalagayang pagpapatirapa, kaya’t paramihin ninyo ang panalangin dito”]. Muslim [Hadith bilang: 215-(482)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito na ang pagpapatirapa ay kabilang sa mga dakilang pagsamba, na nagsisilbing inilalapit nito ang isang taong Muslim sa Allah, at nakapagpapalapit din ito sa Kanyang Habag at Kagandahang-loob.
2. Isinasabatas sa isang Muslim na manalangin sa Allah sa kanyang pagdarasal, maging ang pagdarasal na ito ay isang ubligado o boluntaryo, datapuwa’t ang pinakamainam na kalagayan para sa panalangin ay habang nakapatirapa.
3. Kaaya-aya sa isang taong Muslim na kanyang pangalagaan ang anumang nasasaad sa banal na Qur’an, at gayundin ang anumang napatunayan mula sa Sugo ng Allah () na mga panalangin at kanyang isaulo ang mga ito, sapagka’t ang mga ito ang higit na kapaki-pakinabang sa lahat ng mga panalangin na siyang magtutuwid sa kanya, sa kanyang pamilya at angkan, at gayundin sa mga bagay-bagay na kaugnay sa kanyang relihiyon, buhay sa mundo at sa Huling Araw.