AL-WUDHU

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 76

Idagdag sa mga paborito : 0

(Paghuhugas sa ilang bahagi ng katawan)
 
Ang pamamaraan ng Al-Wudhu ay ang mga sumu-sunod:
 
1. Unang-una, nararapat na magkaroon ng maliwanag na Niyaat (intensiyon o hangarin) sa sarili na magsagawa ng Al-Wudhu.
 
2. Banggitin ang Bismillah (Sa Ngalan ng Allah).
 
3. Hugasan ang dalawang kamay hanggang sa pulso ng tatlong ulit. Tiyaking ang lahat ng bahagi, pati na ang pagitan ng mga daliri, ay mabasa ng tubig.
 
4. Magsahod ng tubig sa kanang kamay at magmumog ng tatlong ulit.
 
5. Hugasan ang ilong sa pamamagitan ng mahinang pagsinghot ng tubig mula sa kanang kamay at ito ay isinga sa tulong ng kaliwang kamay.  Gawin ito ng tatlong ulit.
 
6. Hugasan ang buong mukha hanggang sa mga tainga, nuo at baba (kasama ang balbas) ng tatlong ulit.
 
7. Hugasan ang mga braso, kanan muna bago ang kaliwa, mula sa pulso hanggang sa siko ng tatlong ulit.
 
8. Minsang haplusin ng basang kamay ang ulo mula sa nuo hanggang batok at pabalik.
 
9. Linisin ng minsan ang loob ng magkabilang tainga ng basang hintuturo samantalang ang hinlalaki ay hinahagod ang likuran ng tainga.
 
10. Hugasan ang magkabilang paa hanggang bukung-bukong, kanan muna bago kaliwa, at tiyaking mabasa ang lahat ng bahagi pati na ang pagitan ng mga daliri.
 
11. Ang mga hakbang ng Wudhu ay winawakasan sa pagbigkas ng Kalimatu Ash-Shahada:  
 

Mga Serbisyo ng AI