(Pagpapakadalisay sa pamamagitan ng buhangin o alikabok)
May mga pagkakataong ang paggamit ng tubig ay imposible o mapanganib kagaya ng kawalan ng tubig o ito ay sapat lamang na inumin, o kaya'y ang paggamit nito ay maaaring magpalala ng karamdaman. Ang At-Tayammum ay isinasagawa bilang kapalit ng Al-Wudhu o Al-Ghusl sa pamamagitan ng paggamit ng malinis na buhangin o lupa.
Ang Banal na Qur'an ay nagsasaad:
"........at kung hindi makatagpo ng tubig, gumamit ng malinis na lupa at ihaplos sa mukha at kamay. Hindi nais ng Allah na ilagay kayo sa kahirapan, bagkus nais Niyang padalisayin kayo at gawing lubos ang tulong Niya sa inyo upang kayo'y maging mapagpasalamat". [Al-Maidah, 5:6].
Ang paraan ng At-Tayammum ay ang mga sumusunod:
Katulad ng pagsisimula ng Al-Wudhu at Al-Ghusl, nararapat lamang na magkaroon ng maliwanag na Niyat (intensiyon o hangarin) sa sarili na magsagawa ng At-Tayammum at magsabi ng Bismillah (Sa Ngalan ng Allah).
1. Idampi ang dalawang palad sa buhangin o sa anumang bagay na may buhangin o alikabok katulad ng dingding o bato at iba pa, at hipan ang mga ito.
2. Ihaplos nang minsan ang mga palad sa mukha.
3. Ihaplos nang minsan ang kaliwang palad sa itaas ng kanang kamay hanggang sa pulso at pagkatapos ay ihaplos nang minsan ang kanang palad sa itaas ng kaliwang kamay hanggang sa may pulso.
Si Propeta Muhammadr ay nagsabi: “Sapat na sa inyong gawin ang katulad nito: at kanyang idinampi ang dalawang palad sa lupa, hinipan ang mga ito at inihaplos sa kanyang mukha at sa itaas ng bawa’t kamay”. (Pinagsang-ayunan)
4. Wakasan ang rituwal sa pagbanggit ng (Kali-matu Ash-Shahada).