Mahahalagang Kondisyon ng As-Salaah

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 94

Idagdag sa mga paborito : 0

Ang Tahara, na siyang pinakamahalagang pangunahing kailangan bago magsagawa ng Salaah ay nailahad na sa mga naunang pahina. Ang ibang mahahalagang kondisyon ay ang mga sumusunod: 
 
1.   ORAS
 
Bawa't Salaah ay dapat ialay sa kani-kaniyang oras. Ang Salaah ay hindi maaaring isagawa bago sumapit ang takdang oras nito.  May limang itinakdang Salaah na dapat isagawa ng bawa't Muslim sa loob ng isang araw. Ito ay ang mga sumusunod:
 
Fajr - Sa pagbubukang-liwayway at bago sumikat ang araw.
 
Dhuhr - Sa pagitan ng ilang sandali matapos ang tanghaling tapat at bago sumapit ang Salatul Asr.
 
Asr - Mula sa kalagitnaan ng hapon at bago lumubog ang araw.
 
Maghrib -Ilang sandali matapos lumubog ang araw hanggang sa mapawi ang takip-silim (dumilim).
 
Isha - Sa pagdating ng dilim at bago sumapit ang Salatul Fajr.
 
 
2.   PANANAMIT
 
Bago ialay ang Salaah, kailangang tiyakin muna na may tamang pananamit. Sa kalalakihan, nararapat na takpan kahit man lamang ang kanilang katawan mula pusod hanggang tuhod (kung sakali mang walang ibang damit na maisuot). Ang mga kababaihan ay nararapat na takpan ang sarili mula ulo hanggang paa maliban sa mukha at kamay. Ang pananamit ay dapat na malinis, payak, hindi naaaninag, at hindi hapit sa katawan. Sa mga araw ng kanilang pamamanahon o regla (menstruation period), ang kababaihan ay malaya sa tungkuling mag-alay ng Salaah. 
 
3.   POOK O LUGAR
 
Saan man naroroon ang tao, siya ay maaaring humarap sa Allah sa kanyang mataimtim na pagdarasal. Si Propeta Muhammad y ay nagsabi: "Ang lahat ng dako ng daigdig ay ibinigay sa akin na maging Masjid: malinis at dalisay." Higit na kanais-nais na ang Salaah ay ialay ng sama-sama o kongregasyon. Humarap sa Qibla (Ka'aba sa Makkah) kapag nag-aalay ng Salaah.
 
 
ADHAN
(Ang Pagtawag ng Pag-anyaya sa Salaah)
 
Upang ipunin ang mga Muslim sa pagdarasal ng sama-sama o kongregasyon, ang Adhan ay isinasagawa. Ang Mu’adhin (nagsasagawa ng Adhan) ay titindig na nakaharap sa Qibla (Ka'aba sa Makkah) at itataas ang mga kamay na ang hintuturo ay nakalagay sa magkabilang tainga at bibigkasin ang Adhan sa malakas na tinig nang ganito:         
 
"Allahu Akbar" 4  na ulit
(Ang Allah ay Dakila) 
 
"Ash-hadu Anla Ilaha Illallaah” 2 ulit
(Ako ay sumasaksi na walang tunay na
 diyos na dapat sambahin maliban sa Allah)
 
"Ash-hadu Anna Muhammadar 
Rasullullaah” 2 ulit
(Ako ay sumasaksi na si Muhammad
 ay Sugo ng Allah )
 
"Hayya ‘Alas Salaah" 2 ulit
(Halina sa Salaah (Pagdarasal)
 
"Hayya ‘Alal Falaah" 2 ulit
(Halina sa Tagumpay)
 
 
"Allahu Akbar" 2 ulit
(Ang Allah ay Dakila)
 
"La Ilaha Illallaah" 1 ulit
(Walang tunay na diyos na dapat
sambahin maliban sa Allah)
 
Sa Adhan ng Salatul Fajr, ang mga sumusunod ay idinadagdag sa pagitan ng "Hayya 'Alal Falaah" (Halina sa Tagumpay) at "Allahu Akbar" (Ang Allah ay Dakila):
 
"Assalatu Khairum Minan Naum" 2 ulit 
(Ang pagdarasal ay higit na mabuti kaysa pagtulog)